34th Madness

2K 67 0
                                        

Hio's POV

Waaaah?! Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko?!

"Shall let me explain—!" sinubukan kong lumapit sa kanya pero lalo lang siyang lumayo.

"Kanina ka pa dapat nag eexplain, time's up na ngayon!" sigaw niya habang sinasamsam ang iniwan niyang gown sa sahig.

Argghh.. "Please mag usap tayo, yung tayong dalawa lang, okay?"

Tinitigan niya ako sa mata. "Oh sige, may ipagagawa na lang ako sa iyo. Para wala tayong problema, patayin mo ngayundin ang babaeng yan!"

Umiling ako. "Shall hindi pwede—"

"—HINDI PWEDE DAHIL ANO?! KAILANGAN MO SIYA?! WASN'T I GOOD ENOUGH?!"

Heto na naman kami sa walang kamatayan niyang pagseselos at pagkamakasarili. Paano na ngayon ito? Papatayin ko na nga ba talaga si Licorice?

Hinarapan ko si Licorice. I guess I have to do it after all.

"—W-Wag..." umatras nang bahagya si Licorice. Kahit pa tumakbo siya ngayon, wala pa rin siyang takas basta tinawag ko siya.

What kind of death does she deserve? Silent? Excruciating? Ecstatic?

Inilahad ko ang kamay ko sa kanya. Kapag inabot niya yun, katapusan na niya...

Then I saw her eyes. This is the first time na tumingin ako sa pares ng mga mata niyang kulay amber. All these years, I never look at any other woman's eyes liban kay Shall. Ang point of focal point ko sa mga babae ay sa kanilang throat lang.

Licorice's eyes tells a story of hatred, melancholy, and downfall... Yet there's a faint spark of hope.

Hindi ko siya papatayin. Hindi sa hindi ko kaya, mayroon lang akong limitasyon sa kung ano ang dapat kong gawin. I'm no God after all.

Ibinaba ko ang kamay ko sabay harap kay Shall. "Alam kong may kasalanan ako sayo dahil hindi ko sinabi sayo ang tungkol sa bagay na to, pero bakit kailangan na ikaw ang 

magsasabi ng kung ano ang dapat kong gawin? Can't you consider me as a partner and not as a slave?"

I touched a nerve. Nagsiliparan sa iba't ibang direksyon ang buhok ni Shall na para bang any moment ay magpapakawala siya ng malakas na daloy ng energy. That's how mad she was.

"LUMAYAS KA AT AYOKONG MAKIKITA ANG PAGMUMUKHA MO! MAGSAMA KAYO NG ALIPIN MO!"

TANG INA NAMAN! Pati ako nababadtrip na rin. Kung kelan naanakan ko na siya saka niya ako palalayasin. Like hell.

Para wala nang maganap na destruction, o anupamang delubyo, lumabas ako ng solar na hatak si Licorice. Ako yung may kasalanan dito kaya dapat ako yung magbibigay ng effort para magbati ulit kami ng asawa ko. At ang unang dapat mangyari ay palamigin ang sitwasyon.

Forlorn Madness 2Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon