Hio's POV
Hindi ko na ginamit ang hagdan. Rekta na akong tumalon sa ibaba para di masyadong hassle.
Plok! Plok!
May tumutulong tubig, at expected na yun dahil nga sewage dito. Wag na lang nating isipin na galing yun mula sa toilet bowl ng CR ng subway.
Malakas ang daloy ng aura na nandirito sa ilalim. Mas lalo tuloy tumindi ang urge ko na makakakita ako ng nest core o yung shelter ng mga bampira.
Namangha ako sa mga sumunod kong namalas. Tumambad sakin ang isang napakalaking tarangkahang bakal na sasobrang bigat ay kayang pigilan ang agression ng atleast isang libong undead; ngunit sisiw lang na buksan ng isang bampira, pramis. Imagine, may ganito sa sewage? Angas!
Isang winding staircase ang sumalubong sakin na tila walang hanggan ang mga baitang— isandaang hakbang, limandaang hakbang... Ah ambot! Nawala rin ako sa bilang! Di ako sigurado kung ano ang madadatnan ko sa ilalim kaya maiging tapusin ko na lamang ang pagbaba ng hagdan.
Nang sa wakas ay narating ko na ang pinakalanding, hinawakan ko ang sahig na lupa pala. Base sa kanyang composition, isa iyong loam soil na puno ng mga mineral na kailangan ng mga halaman. Walang dudang ang lupa dito ay katugma ng matabang lupang hinahanap ko sa ibabaw.
Naanalisa ko na ang lupain, sunod, iniikot ko ang aking paningin. Mga approximately 50 yards mula sa kinatatayuan ko, ay mayroon na namang tarangkahan; old-fashioned yun at railings lang. May liwanag din sa likod ng tarangkahan na galing sa mga random torches. Lumapit ako sa gate at unti unti kong napicture ang isang komunidad. Kung hindi ko minanmanan si Amos simula pa lang, baka mainfest na rin ng undead plague ang underground community na ito.
Medyo may pagkamoderno ang mga istruktura sa loob pero halatang hindi uso dito ang electricity. Kapansin-pansin din ang biyak ng lupa na parang dinundan lang ng gate. Bahagyang elevated yun—
IBIG SABIHIN TAMA NGA ANG HINALA KO?!
Wala na akong pasubali. Tinalon ko ang gate ngunit pagkalanding na pagkalanding ko, isang kamay na litaw ang mahahaba at matatalas na kuko ang nakatutok agad sa aking leegan.
"Minerva von Hairenn..." anas ko. Ibang iba ang hitsura niya kesa sa totoong Minerva na nakilala ko. 'Woman' na siya ngayon at mas lumitaw pa ang kanyang ganda, idagdag mo pa ang kanyang pagiging sopistikada.
"Magaling ka. Ang akala ko ay wala nang makakadiskubre pa sakin dito—"
"NASAAN SI KAPE?!" demand ko.
Magkaibigan kami nito ni Minerva pero hindi sa lahat ng dimensyon. Gaya ko, ang kapangyarihan niya ay nag-eexpand hanggang sa ibang dimensyon. Kaya sabihin na lang nating kung ako ay isang dimension wizard, siya ang dimension witch.
Ang Minerva na kaharap ko ngayon ay hindi 100% na si Minerva na kaibigan ko. Let's say 50-50. This dimension kung nasaan ako ay ang totoong dimensyon namin. Unfortunately, wala na dito ang totoong Minerva at totoong Kape na dapat sana ay nandito.
BINABASA MO ANG
Forlorn Madness 2
VampireThis is Forlorn Madness: Book 2 A Masterpiece by direk_whamba