53rd Madness

1.6K 55 6
                                    

Aster's POV

Pagdating namin sa emergency ng isang ospital sa human community, lumundag agad ako sa may empty stretcher na nakatengga sa isang tabi at nagtaklob ng kumot na puti. Si tito yung tumulak ng stretcher pagkatapos.

"DONG IMIRGINSI!" kamuntikan na akong matawa nung narinig ko na isinigaw yan ni tito.

"Bisaya ka kuya?" anang isang unfamiliar voice. Must be a hospital staff.

"OO NA LAGE!" uhh ohh mukhang iritable na si tito.

May nag angat sa kumot na nakatakip sakin. Yung hospital staff yun. Iiling iling siya habang pinagmamasdan ako tas nagscribble siya sa hawak niyang clipboard. Ibinalik din niya agad sa dati ang kumot ko.

"Sigurado po bang emergency yan ha kuya? Bangkay na yata yang dinala mo dito eh! Baka may dala dala pa yang sakit na nakakahawa!"

"Ih de ba kaya nga kame nagponta dini ay para epagamot seya?" nice one tito! Sige ipaglaban mo ang barangay natin!

"Oo na nga lang..."

After that, I didn't hear them talk anymore. Ang tanging naririnig ko na lang ay ang tunog ng gulong ng stretcher.

"Kuya dito na lang po kayo ha? Bawal kasi pumasok sa loob ang hindi authorized eh. Pasensya na. Maghintay ka na lang dun sa reception area."

Tlaaak!

I just knew a door swung open. Medyo naging dim, then the motion of my stretcher stopped. Another swung of the door and now I think I'm alone here.

Bumalikwas ako ng bangon sa kabila ng iniinda kong sugat na kanina pa nilalabasan ng pus.

Heck, hindi ako nag iisa dito. May isa pang stretcher na katabi ng sakin. May nakahiga dun at nakatalukbong ng kumot. Pero bago ko siya usisain, inilibot ko muna ang paningin ko.

Ang mga pader sa silid na ito ay rows ng mga steel drawer cabinet. Tumayo ako tas nilapitan ko yung nasa aking left side. I pried open one drawer at isang itim na body bag ang tumambad sakin. Di ko na kailangan pang makita kung ano ang laman nun.

Oh shit. This is a morgue!

Bakit ba pumayag si tito na dito ako dalhin ng ungas na staff na yun?!

Binalikan ko yung stretcher kanina. Hinila ko yung kumot mula sa ulo niya pababa sa dibdib?

Hell wait... Alam ko kung sino ang impakto na to ah?

Si Haru... Yung vocalist ng Seventh?

Malamig na siya. May ilang oras na siyang patay! Pero bat ganun? Ang lambot pa rin ng balat niya?

Forlorn Madness 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon