Aster's POV
Parang aso akong sumunod kay Cassiopeia palabas ng ball room. Iniwan ko si Cerylle at WALA akong pakialam sa kanya. Mamaya kami magtutuos!
"—Ginoo, bakit mo ako sinusundan?" nilingon ako ni Cassiopeia nung malapit na kami sa foyer. "Naghihintay na sakin ang aking utusan. Gusto ko nang umuwi para makapagpahinga ng maaga." [Foyer- space sa may maindoor]
I Shrugged. "Ano sa palagay mo? Ganun ganun na lang? Iiwan mo ako?"
Ngumiti siya ngunit hindi ibig sabihin nun ay natutuwa siya. "Kaya mo ako hinahabol ngayon ay dahil kailangan mo ako hindi ba?"
Tumango agad ako. There's no point in denying that. She knew I'm heartless.
But to my surprise, lumapit siya sakin. Hinaplos niya ang mga pisngi ko. "Wag kang mag-alala dahil hindi pabago bago ang isip ko. Nagpasya na akong tulungan ka. Nagkataon lang na sumama ang pakiramdam ko. Madalas mangyari yun kapag marami akong nasasagap na aura sa iisang lugar..."
I think I'm starting to like her. Ang bait kasi niya. "Bago ka umalis, pwede ko bang makita ang mukha mo? Para patas. Nakita mo na kasi ako."
Since atat ako, bigla ko na lang tinanggal ang suot niyang mask. I beheld her angelic beauty; and it's like I can't take off my eyes on her lalo na nung nagsmile siya. Sinamahan ko siya hanggang sa portico kung saan naghihintay ang dalawa niyang utusan pati na ang farer na nasa karwahe. [Portico- pasilyo sa labas ng bahay na may roof structure.]
We bowed at each other before she went inside the carriage. Napawi ang ngiti ko nung malayo na ang sinasakyan ni Cassiopeia. Hindi basta nawawala ang badtrip sakin. Kailangan kong disiplinahin yung loko-lokong Cerylle na yun! Now where the hell is she?
****
Cerylle's POV
Sa akala ba niya siya lang ang naiinis ngayon?! MAS NAIINIS AKO! Paano niya naatim na maghanap ng iba? Bakit hindi niya ako maalala?
Iniwan niya ako para lang sundan yung babaeng kadaupang-palad niya kanina. Lalabas din sana ako ng maindoor pero may kung sino na humila sakin.
"—Kuya?" kamuntik nang mawala sa isip ko, kasama nga pala namin si kuya Kan.
"Maligayang pagbabalik Rosary." aniya. "Naramdaman ko ang presence ni tita at isa lang ang naiisip kong rason kung bakit siya magpupunta rito. She's after you of course. I
finally understood your mystery." his eyes are flashing menacingly; like in the old days, kapag may masamang tumatakbo sa loob ng kanyang intricate mind.
He was just my half-brother, and I DON'T trust him kahit anong bait ang ipakita niya sakin. Maraming beses ko nang nakita kung gaano siya kasama BEHIND MY BACK.
BINABASA MO ANG
Forlorn Madness 2
VampiroThis is Forlorn Madness: Book 2 A Masterpiece by direk_whamba