64th Madness

1.8K 60 6
                                        

Hio's POV

Sigurado na akong nakabalik na ako sa orihinal kong panahon. May mga palatandaan naman yun. Nakatali ang ating thread of life sa tatlong mahahalagang abstract ng ating buhay: sa tamang mga pangyayari, sa tamang lugar, at sa tamang oras.

They go hand in hand habang nabubuhay ka. I'm sure maraming tao ang walang pakialam sa sinasabi kong ito; pero hindi ba minsan naiisip ng kahit isa satin kung bakit hindi natin basta basta nababago ang takbo ng ating kapalaran kahit pa mayroon tayong urge?

Dahil ang reality ay nakabigkis tayo. Stuck in a certain fate. Stuck in limited places. Stuck in a short period of time.

I do travel a lot; sa iba't ibang lugar, oras, at pangyayari. Ngunit limitado lang. Sa bawat pagsalungat kasi sa aking sariling tadhana ay nababatak ang aking thread of life. Who knows? Kapag napatid iyon, katapusan ko na. Kaya no matter where I go, kailangan ko laging bumalik. Palaging may hihila sakin pabalik.

Mahirap paglaruan ang buhay. Mahirap din itong seryosohin. Depende na yan sa isang nilalang kung saan nga ba siya dapat lumugar.

Tumingin ako kay Ivy. Naiisip ko na lang din ang tungkol sa thread of life, gusto kong malaman kung anong plano niya.

"Ivy, saang panahon at lugar ka ba talaga nag eexist? Tutulungan kitang makabalik."

Ngumiti siya tapos ay umiling. "Matalino ka kamahalan. Sasandaling panahon mo pa lang akong nakakasama pero alam mo na agad ang sikreto ko. Sinadya kong idetatch ang sarili ko sa aking tunay na panahon at lunan. Gusto kong maging malaya kaya ko napagpasyahang gawin yun."

Patid ang thread of life ni Ivy subalit hindi pa siya patay. Nakapagtatakang walang masasamang nilalang mula sa masasamang mundo ang humaharvest ng kanyang kaluluwa. Kung bumalik man ako sa nakaraan at least mga twenty minutes ago lang, wala akong 'Ivy' na makikita kahit pa may ilang oras na kaming magkasama.

Wala na siyang imprint na iniiwan sa mundo, sa madaling salita.

Naaawa ako na ewan. "Pero?"

"Alam kong ikamamatay ko rin ito balang araw. Nakahanda na ako dun." aniya.

"Ano ang pumoprotekta sa iyong kaluluwa?" hindi sa chismoso ako... curious lang!

"Isang familiar, kamahalan. Ngunit ikinalulungkot kong hindi ko siya maaaring ipakita sa iyo ngayon."

"Ayos lang. Naiintindihan ko. Magpatuloy na tayo."

Ang lakas ng loob kong magdala na naman ng babae sa loob ng Rose mansion. Patay na naman ako nito sa asawa ko!

Hindi ko muna binuksan ang gate. Hinarap ko ang kasama ko. "Ivy, alam kong pangit ehh pero pwedeng dito ka muna sa labas?"

"Natatakot ka pa rin sa iyong asawa?" yung tono niya parang nang aasar eh.

Forlorn Madness 2Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon