Hio's POV
Dinala ko kaming tatlo sa basement sa aming mansyon sa Area 2. Umakyat na si Shall kaya dalawa na lang kaming naiwan ng hostage ko.
Sapilitan kong pinaupo sa isang silya sa harap ng malapad na mesa si Licorice, tas nanatili akong nakatayo sa gilid niya.
"Ngayon ay ituloy na natin ang interogasyon-"
"SINABI NANG HINDI AKO MAGSASALITA EH!"
Ang kulit talaga ng babaeng ito. Inuubos niya ang oras ko!
Hinaklit ko ang braso niya at inilapat ang kamay niya sa mesa. "AYAW MO HA?!"
Itinutok ko sa kamay niyang yun ang syringe-
"-WAAAG!" tumili siya na parang baboy na sinintensyahan.
Thok!
Too late... Naisaksak ko ang syringe- sa mesa.
She sighed in relieve.
"Joke lang Licorice." sabi ko sabay ngiti. "May mas madaling paraan para mapasagot kita-"
Pinakiramdaman ko muna kung nasa paligid si Shall. Coast is clear. Good.
Bahagya kong iniangat ang baba niya at saka ko inilapit ang bibig ko sa leeg niya.
"Aggh-"
Pinahid ko ang dugo sa mga labi ko. Inikot ko ang mesa tas naupo ako sa silyang katapat nung kanya.
"Nasaan ang lungga ng Black Church?"
Tulala na siya pero bumuka ang kanyang bibig. "Dadalhin kita dun ngayon, kung yun ang gusto mo..."
Inilahad ko sa kanya ang kamay ko. "Tara."
Pagkaabot niya sa kamay ko, bumilis ang motion ng paligid namin. Para kaming nahuhulog sa isang malalim na hukay.
"Ang Black Church ay isang pribadong espasyo. Hindi iyon nararating ng kahit na anong kalsada at lalong hindi nabubuksan sa kahit anong pinto. Mararating lamang ang lugar na yun sa pamamagitan ng alaala ng isang lehitimong myembro."
Oha, marami na siyang sinasabi. Mas mapapakinabangan ko siya bilang alipin kesa kung gagawin ko siyang undead.
Mayamaya, huminto ang mosyon. Nakatayo kaming dalawa sa isang podium at pinalilibutan kami ng limang bampirang nakasuot ng itim na hood. Sa likod nila ay may nakapalibot namang sampung pedestal na may high chair. Kada isang high chair ay may nakaupong bampirang nakasuot naman ng pulang cloak.
"Licorice, bakit ngayon ka lang dumating?! At bakit ka nagsama ng hindi myembro?!"
"SINO SIYA?!"
Threat agad ang tingin sakin ng mga nakaitim.Tumayo ang isa sa mga nakasuot na pula. Siya ang may pinakamagandang upuan tapos may suot pa siyang circlet. Siya yata ang pinuno nila.
"Ginoo, ano ang pangalan mo?" tanong niya. Ginintuan ang kulay ng kanyang mga matang tatagos sa kaluluwa kung makatingin.
"Ang pangalan ko ay Henna Iryl Darktower." nagbulungan na parang bubuyog ang mga tanga pagkarinig sa pangalan ko.
"Bakit ka naparito ginoong Henna Iryl? Isa itong pribadong organisasyon. Hindi ka ba natatakot na baka hindi ka na muling makalabas nang buhay sa espasyong ito?"
I just shrugged. "Ano ang dapat kong katakutan sa inyo?" losers. Kayang kaya kong umeskapo dito kahit kelan ko gusto. But I would just press on. Hindi na ako nag-iisa sa buhay para maging cowardly dog. May asawa ako, may dalawang anak, at ikalawang buhay na kailangang protektahan.
BINABASA MO ANG
Forlorn Madness 2
VampirosThis is Forlorn Madness: Book 2 A Masterpiece by direk_whamba