Epilogue

4.6K 124 38
                                        

Aster's POV

Hawak ko sa magkabilang balikat si Aning. Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa dahil sa kanya. Lumapit sakin si Ary tas niyakap niya ako. Naisandwich tuloy namin si Aning. I guess kailagan kong ilabas tong luha ko... they were not tears of sadness, rather tears of joy.

Masaya ako para sa mga magulang ko at sa courage nilang ipagpatuloy ang pag iibigan nila in face of death.

Bilang kanilang nag iisang filial son, sisikapin kong mas tututukan ko pa si Aning. Mas aalagaan ko siya dahil siya na lang ang link ko sa mga magulang namin.

Binuhat mga surviving nobles ang labi ng aking ama at ang abo ng aking ina. Ilalagak nila iyon sa palasyo ng trono at pinasusunod lamang kami ni Aning doon mamaya pang gabi.

Shhhh....

Napatingin ako kay Kan. I believed nasa lilim kami pero nauupos siya. Lumapit din siya sakin kapagdaka.

"Kailangan kong makausap si Senri... Sa huling pagkakataon."

Seryoso si Kan. Alam namin ni Fait na ginagawa ni Kan ang lahat, magtagpo lamang sila ng kanyang kakambal.

Nakapagdesisyon na akong ibabalik ko ang kaluluwa ni Senri. Pipilitin ko.

Inilahad ko kay Kan ang aking palad. "Pumunta tayo sa kanya."

****

Kan's POV

Dinala ko sila pabalik sa aking Villa sa huli kong natitirang lakas.

Wala na ang respawner kaya natural lang na susunod na rin ako. Kung hindi lang ako gumagamit ng kapangyarihan, malamang at kanina pa ako wala.

"Pinapalaya na kita." bulong ko kay Asha. "Hindi na maibabalik ang dati mong buhay ngunit marami ka pang magagawang bago once na maging malaya ka."

Umiling siya. "Prince ko, ikaw ang mundo ko eh... Kaya paano mo nasasabing kaya kong maging malaya nang wala ka?"

Tinapik tapik ko ang pisngi niya. Naasar ako sa kamartiran niya, at the same time, hinahangaan ko yun. Isa lamang akong walang kwentang nilalag, and yet she made me feel beloved.

I wish I can get even...

"Kan..." tinawag na ako ni Aster.

Pumasok kami sa silid ni Senri. Naupo si Aster sa may armchair at ginagap ang kamay ni Senri.

Isinalin ni Aster pabalik sa katawan ng aking kakambal ang anumang natitira sa kaluluwa niyon.

Kumislot si Senri.

"Lalabas muna ako." ani Fait. Lumayo siya kay Antigone at tinungo ang pintuan. Wala na sa kanya ang away nila. Ayaw lang siguro niyang magpang abot sila ni Senri.

Inalalayan ni Aster si Senri na maupo pagmulat niya. Nahuli kong sumulyap siya kay Antigone tas ngumiti lang.

Iniiwasan na marahil niyang magkaroon pa ng attachment sa bata...

Lumapit ako kay Senri. Yumakap ako sa kanya.

"Kan... Hindi na ako magtatagal kaya wag ka nang mag aksaya pa ng lakas para gumawa ng paraang mabuhay ako..."

"Senri natatakot ako..." bulong ko sa kanya. Mawawala na rin ako. Ano ang gagawin ko?!

Inilayo niya ako sa kanya. Nalaglag ang ilang bahagi ng nag aabo niyang pisngi. "Hindi, mabubuhay ka. Kailangan ko ng buhay na pruweba na minsan ay naging eksistensyal ako sa mundong ito... Gusto kong mabuhay ka nang nagagawa ang lahat ng gusto mo... Ang lahat ng hindi ko kaya..."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: Jun 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forlorn Madness 2Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon