78th Madness

1.7K 56 5
                                        

Ivy's POV

Ideya ko na isummon ang lahat ng mga natitirang maharlikang bampira ngunit tinutulan lamang iyon ng aking kamahalan. Magkagayunman ay kailangan ko siyang tulungan sa lahat ng paraang alam ko. Nararamdaman ko na hindi na ako magtatagal...

Nagpadala ako ng isang kalat na telepathy sa mga bampira. Hindi mga basta bastang bampira ang makakasagap nun... tanging ang mga makapangyarihan lamang. Sinadya kong itulak sila papunta sa Area 2 upang kahit paano ay magkaroon ng delay ang Inferni Sigillum.

Pagkatapos ay saka ko sinundan ang kamahalan na nasa Area 1. Nangamba ako dahil huli na ako ng dating. Nakalabas ang kanyang familiar at napapaligiran na siya ngayon ng mga bayolenteng poltergeist. Imposibleng makalapit ako sa kanya nang hindi masasaktan.

BAHALA NA! Kailangan kong lumapit sa kamahalan! May isang bagay akong dapat ibigay sa kanya at nararapat na sa kanya lamang mapunta iyon!

"Kamahalan, tumingin ka dito sa gawing kinaroroonan ko..." bulong ko sa hangin. Nagbabakasakali ako na gawin nga niya kahit alam kong hindi. Nahihirapan na rin ako sa nararamdaman ko. Binigyan niya ng silakbo ang aking damdamin na marapat kong isuko hanggat maaga pa... Ayoko nang makadagdag pa sa gulo sa buhay niya. Tama na sakin na itinuturing niyang kanya ang aking pinakamamahal na anak.

Nakatingin sa madilim na kalangitan ang kamahalan. Dapat ko na nga siyang lapitan kaya inihanda ko na ang sarili ko.

Napansin agad ako ng mga poltergeist. Nagkakandaaway away pa sila para lang maunang makalapit sakin. Ang mga nasa harap ko na ay pinagkakalmot ako.

"IVY, ANONG NANGYAYARI SAYO?! BAKIT KA NILA NASASAKTAN?!" ang kamahalan na ang gumawa ng paraan para makalapit sakin.

Bakit nila ako nasasaktan kamahalan? Dahil ang mga paa ko ay matagal nang hindi nakasayad sa lupa. Dahil ako ay hindi na nabibilang dito sa pisikal na mundo.

Sa tindi ng komosyon ng mga poltergeist, napukaw na pati ang atensyon ng higanteng reaper... Kaagad niyang itinaas ang hawak niyang karit. Sumabay dun ang hangin kaya nagulo ang buhok ko at ng aking kamahalan.

Marahas ang reaper at wala itong sinasanto basta nagliliwaliw na kaluluwa. Kapag ibinaba na niya ang karit ang ibig sabihin ay nasentensyahan na niya ako.

"JACK TUMIGIL KA! SUNDIN MO AKO?!"

"Kamahalan, higit kaninuman, alam mong darating ang aking huling araw kaya hayaan mo na lamang ang sarili mong makinig sa mga huling habilin ko?nalalabi na ang bawat segundo ko kaya..."

May dinukot ako mula sa bodice ng aking paboritong bestida... na ngayon ay gulagulanit na at nababahiran ng dugo. Binuklat ko ang palad ko sa harapan ng kamahalan. Nandoroon ang isang napakaliit na tipak ng kristal.

"Ito ang totoong Wish Tear kamahalan. Ako lamang ang nag iisang tagapag ingat ng bagay na ito. Nais kong tanggapin mo ito at hilingin mo ang gusto mong pagbabago..."

"Hindi ba at iyan ang pinagtatalunang premyo sa C.R.O.?!" anang kamahalan.

Forlorn Madness 2Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon