49th Madness

1.7K 57 0
                                    

... Pagpapatuloy.

Matamang pinagmamasdan ni Zenith ang kanyang kakambal. Matagal na niyang pinapangarap ang mga sandaling magkaharap sila. Siya dapat ang nasa posisyon nito.

Subalit ayaw naman niyang maging isang opisyal. Mahal na niya ang Alkemiya at buong puso niyang tinanggap ang pagpapanday upang mas lalo pang malinang ang kanyang kakayahan...

Madalas na napupuno ng poot si Zenith noon kapag nalalaman niya ang katigasan ng ulo at pagpapasaway ni Zephyr sa mga magulang nila. Ang poot na yun ay wala ngayon. Ang tanging naramdaman niya ay ang lungkot ng hungkag na puso ni Zephyr; na para bang naiintidihan niya ang dinaramdam nito.

Walang anu ano'y hinaklit ni Zephyr ang maruming kamiseta ni Zenith. "KUNG BUHAY KA AT ALAM MONG KAMI ANG PAMILYA MO, BAKIT HINAYAAN MONG MAGDUSA SI INA?! BAKIT MO AKO HINAYAANG MAGDUSA?!"

"Zephyr... Hindi na ako maaaring bumalik pa kahit kelan." aniya. Kalaunan ay binitawan na rin siya ni Zephyr.

"Sino ang nag alaga sayo? Bakit ganito ang trabaho mo? Kumakain ka ba ng tama? Nahihirapan ka ba? Inaalipin ka?" sunud sunod na tanong ng nakababatang kambal. Di maiwasang mangiti ni Zenith sa pag aalala nito para sa kapakanan niya.

"Mabuti ang aking disposisyon kaya't wag ka nang mag alala."

Heeeee—!

Napalingon si Zephyr sa pintuan. "Mga kabalyero. Malamang na pinaghahanap na nila ako ngayon. Kailangan ko nang umalis! Magbabalik ako pangako."

"Teka—" pigil sa kanya ni Zenith. Pinulot nito ang pamandong sa ulo at iniabot yun sa kanya.

"Salamat." ang tanging nasambit ng prinsipe.

Magbabalik na sana si Zephyr sa kanyang gawain nang isa isang pumasok ang mga kasamahan niya.

"Ang mahal na prinsipe iyon di ba? Ano ang sadya niya sayo?!" tanong ng isang panday na malaki ang katawan.

"—Wala. Napagkamalan lamang niya ako."

"Kanina ay nagpaagaw yun ng gintong barya para lamang makita ka! Malamang na may ibinigay ang mahal na prinsipe sa iyo na higit pa ang halaga kesa sa ginto!"

Dali daling itinago ni Zenith ang kanyang kamay sa likuran niya. Hindi niya isinusuot ang singsing na rubi sa mga ordinaryong araw. Napili lamang niya ang araw na ito dahil sa parada ni Zephyr. Alam niyang suot suot kasi nito ang kabiyak na singsing na sapiro ang bato.

"A-Ano bang sinasabi ninyo? Bakit naman ako gagantimpalaan ng mahal na prinsipe!"

Lumapit sa kanya ang pinakamaliit na panday sa grupo. "May itinatago siya sa kanyang likuran!"

Hindi na nakapalag pa si Zenith nang hilahin nila ang braso niya at sapilitang hinubad ang singsing sa kanyang daliri.

Forlorn Madness 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon