73rd Madness

1.7K 56 1
                                    

Hio's POV

 Ang tagal ni Ivy. Sabagay hindi ko naman hihingiin ang tulong niya this time.

 Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Matagal na buhat nang maupo ako sa tronong ito... kahit hindi ito para sakin.

 Ako ang anak ni Orpheus dito sa lupa at wala nang iba. Kaya ako lang ang siyang susunod sa kanya at wala nang iba.

 Bumukas ang pinto ngunit hindi si Ivy ang pumasok... kundi si Amos.

 Lumapit siya at yumukod sakin. Talagang hinahantay ko siya.

"May isang bagay akong ipagagawa sayo at ngayon na ang takdang panahon para doon." sabi ko sa kanya. "Ang gusto ko ay umalis ka na. Pinapalaya na kita. Piliin mo ang simple at payapang buhay. Simula sa araw na ito ay hindi na tayo relatibo sa isa't isa. Alam kong magagawa mo yun."

Nahuli ko siyang nag alangan, ngunit dahil wala siyang dapat tutulan, tumango siya nang tahimik.

"Malinaw na nagkakaintindihan na tayo, maaari ka nang umalis."

"Ngayon ang panibagong pagtitipon ng Black Church hindi ba? Sigurado ka bang wala na akong iba pang maitutulong sa iyo sa huling pagkakataon?"

Tumango ako. "Ang mga nilalang na hindi na maililigtas ay hindi na rin nangangailangan ng tulong. Inuulit ko, makakaalis ka na."

Pagkaalis ni Amos, sumampa ako sa aking trono. Huminga ako ng malalim habang nakapikit.

Pagmulat ko ng aking mga mata, nasa loob na ako ng pribadong espasyo ng Black Church. Sinadya ni Xerun ang mga pangyayari na nagdala sakin sa organisasyon para mapag aralan niya ako gaya ng ilang libo pang mga bampira na sumailalim sa kanyang mga eksperimento.

Pinalibutan ako ng mga presbyter at pati na ng mga high presbyter. Nasa likod ang poser nilang pinuno.

"Ikaw ang mahal na hari hindi ba An're?"

Isa isa ko silang tiningnan. "Ako nga. KAYA WALA KAYONG KARAPATANG BANGGITIN ANG PANGALAN KO NANG BASTA BASTA!"

Dinukot ko mula sa aking bulsa ang isang lumang harmonica na isang heirloom. Nakita ko yun mula sa mga dating gamit ni Orpheus.

Kalokohan ang lugar na ito. May ipapakita ako sa kanila at ang gusto ko ay masaksihan nila iyon sa tunay na mundo.

Inilapit ko ang silindro sa aking bibig at sinimulan ang pagtugtog. Ang musika ni Orpheus ay musika ko rin.

Yumanig ang lupa at gumuho ang kalangitan... but I assure you, ang musikang tinutugtog ko ay walang kinalaman sa destruksyon.

Sinisira ko ang pribadong espasyo na ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng disturbance sa isipan ng lahat ng nakakaalam at naririto sa lugar na ito. Ganun ang isang imaginary place... ang pundasyon lagi niyon ay tatag ng isipan.

Forlorn Madness 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon