70th Madness

1.7K 57 0
                                        

Cerylle's POV

Sinalo ko ang buong weight ng napakalaking tumor growth ng isang mutant na infected na kung tawagin ay Evil Druid. I have zero idea on how heavy it was... basta ang tanging priority ko ngayon ay ang protektahan si Aster hanggat hindi pa natatapos ang reverting process ng kanyang katawan. Fragile siya especially dahil nasa katawan siya ni kuya Senri. Sa limitadong kapangyarihan na nasa kanya, I doubt kung kaya pa niyang protektahan ang sarili niya.

Walang anu ano'y gumaan ang tumor... parang bumuwelo. Umangat yun hanggang mag 90 degrees sa ere. I think I have to brace myself!

WHAAAAAM?!

ARGGGHH ANG SAKIT! Napigilan ko pa rin ang tuluyang paghambalos samin ng tumor, yun nga lang ay hindi na ako sigurado kung mapipigilan ko ulit ang next. Defending for too long will not make the situation any better. Dapat ay sabayan ng attack!

I glanced back to Aster's real body. Patuloy pa rin sa pagcirculate dun ang mga symbolic light rings. Sana makaya ko siyang protektahan hanggang sa panahong marestore na siya sa dati?

BAAAAAM!

I endured another blow of the tumor. Again, ginawa ko ang lahat para pigilan iyon. Nanghihina na ako. May spit na nakalusot sa aking force field at nadaplisan ako nun sa kaliwa kong braso. Nalapnos agad agad ang balat ko dun.

Mayamaya pa ay damang dama ko na ang matinding sakit ng aking ulo. In fact nagluha pa ng dugo ang mata ko.

Aster went rigid. Anumang sandali ay aabandonahin na niya ang katawang ginagamit niya. At the corner of my eyes, naglimpsed ko si Kan. Sinalo niya ang papatumba sanang walang malay na katawan ng kapatid namin na dinadala niya tungo sa safe area.

Umasa ako na tutulungan niya ako pagkadeposit niya kay Senri sa isang eskinita... pero looks like mamamatay ako sa maling akala. He ignored us tas tumawid lang siya sa sumunod na street.

Then all of a sudden, nagtwist yung tumor, as in lumiyad yun paharap. Dun ko nalamang isang napakalaking bibig pala yun na puno ng spiky teeth!

Bumilis ang movement niya dahil sinukuan na ako ng mismong kapangyarihan ko. PAANO NA?!

AYOKO PANG MAMATAY KAMI NI ASTER HANGGAT HINDI PA NIYA AKO NARERECOGNIZE! MARAMING TAON ANG NAWALA SAMIN! HINDI PWEDENG...

No?!

Kahit ano pang pagtutol sa isip ang gawin ko, I cannot deny death if it is meant to happen. Nandito kami sa isang all-or-nothing situation. Wala na akong lakas na natitira at si Aster?

I reach out my hand to him. "Aster... T-Tulungan mo ako. Please?"

Wala na akong boses kaya parang ibinulong ko lang ang sinabi ko. Hindi na ako magtataka kung hindi man niya ako narinig. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko sa ilalim ng anino ng higanteng bibig na anumang saglit ay lalamunin kami nang buhay.

Forlorn Madness 2Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon