6th Madness

2.5K 87 2
                                    

Aster's POV

Kumalat na ang infection hanggang sa karatig na lugar ng Area 1. Isang Evil Druid na ang tag ay Nehemiah ang nagkalat ng lagim sa labas. Dahil dun kaya naparusahan ang Presbyter niya ng kamatayan.

Hugas-kamay ang pamunuan ng mga bampira at hinayaan ang mga tao na magturuan kung sino ang lumikha ng plague.

Ngayong gabing ito ay opisyal akong pinayagang lumabas ng Area 1. Syempre bago ako umalis, binigyan ako ng isang utos ng Black Church—

"—Itumba si Nehemiah sa lalong madaling panahon." nangiwi ako sabay punit sa binabasa kong scroll. "Neknek nila. Hindi nila ako uutos-utusan na parang nakakuha sila ng hitman."

Ang Black Church ay isang SIKRETONG grupo ng mga makapangyarihang bampira na KILALA at kinatatakutan. Hawak nila ang mga Presbyters pati na kaming mga Evil Druid.

I don't know about their plans pero parang totoong may balak silang lipulin ang mga tao in the future.

"—Ayaw mo nun? Indulgence din yun pre!" sabi ni Fait.

Ipinagkibit-balikat ko na lang ang sinabi niya. Bukod sa kanya, kasama ko ang kapatid ko at si señorito. Kasalukuyan kaming tumatawid ng isang malapad na bridge papunta sa kabilang ibayo. Biglang huminto sa paglalakad si Aning.

"Aster pagod na akooo~"

Hay parang dalawang kilometro pa lang ang nalalakad namin pagod na agad siya? Malamang na tinatamad lang to.

Nilapitan ko siya tas binuhat. "Di ka na baby nagpapabuhat ka pa. Sana kaya kitang paliitin para ibubulsa na lang kita eh."

She pouted. "Ee pagod pagod naman talaga ako weh."

"Malapit na pala tayo sa checkpoint eh." ani Kan.

Tanaw ko na nga ang liwanag na mula sa mga headlights ng sasakyang pangmilitar, pati yung mga barikada, at ang mga taong sundalo na nakaalerto.

Pinoprotektahan nila ang secured area sa likod nila.

"Baka bigla na naman tayong barilin ng mga yan?" wika ko. Last time naheadshot lang naman ako ng sniper nila.

"Relax pare, ako na ang bahala." nagpatiuna sa paglalakad si Fait.

Nadinig ko na ang ratrat ng mga machinegun at awa namang hindi pa kami tinatamaan. Kami ay sumasayaw sa saliw ng mga umuulang bala. "BILISAN MO FAIT!"

Nawala si Fait sa kinatatayuan niya. Nagpakita siya dun sa likod ng checkpoint. Natigilan ang lahat ng nandun hanggang sa wala nang nagpapaputok.

Isang illusion master si Fait. Kaya niyang iparanas sa kahit sino ang pinakamasayang pangarap maging ang pinakamasaklap na bangungot.

Forlorn Madness 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon