47th Madness

2K 62 4
                                    

Aster's POV

 

Tinapos ko ang dulo ng sewer corridor, whatever you call it, just to find myself facing another water adventure. I pushed through anyway.

Buti at dun na ako sa pinapasukan ng malinis na tubig. Bumaba ako tas nag-wade sa abot-tuhod na tubig. Sinasaliwa ko ang water current kaya medyo may kabagalan ako nang konti.

I passed an arc exit and found myself on a riverbank. Lumayo pa ako tas tiningala ko ang pinanggalingan ko. Pataas ang lupa at malayo na ang kastilyo mula dito. Sa dami ba naman ng baitang na binaba ko talagang makakarating ako nang ganito kalalim.

Nang makakita ako ng elevation, humango na ako sa tubig. Inaalala ko ang kundisyon ng katawang ginagamit ko ngayon dahil nga nabasa ako. Baka mapabilis ang decomposition ng mga binti ko! That'll be bloody shit.

Humupa na ang unos ngayong oras na ito pero umuulan pa rin ng nyebe. Naakit ako sa mga liwanag mula sa parte na may mga nakatayong gusali. Nagpasya akong magtungo dun.

Ito marahil ang eksaktong ginawa ni Zephyr pagkalabas niya mula sa sewer ng kastilyo. Bago pa man ako tuluyang makalayo ay may balakid na naman. Nakaharang ang isang mataas na fence.

Sinubukan kong umakyat pero nalaglag lang ako. Wala ang reflexes ko. Nagbakasyon. May keyhole nga wala namang susi!

Braaam! Braaam!

Inuga uga ko ang grills out of frustration. Ang dami kong bagay na hindi magawa dito! I went too far only to be fucked by this little piece of shit?!

There's got to be a key? or a way out! Nanggaling na dito si Zephyr eh!

Sinubukan kong mag-scavenge sa halos kalahati ng area na nahaharangan ng gate. Narating ko yung slope kung saan nakasupport yung pinakadulo ng gate. Wala akong nakita kundi pumpon ng lumot, mga patay na sanga, at syempre putik.

Frustrated ulit ako!

Hinawi ko ang mga yun para sana pagbuntunan ng badtrip pero napatitig ako sa puwang na napansin ko. Siguro kasya ako dun pag sumiksik ako? It wouldn't hurt if I try.

Tumagilid ako tas naglakad sideways. Nauna kong inilabas sa opening ang ulo ko, sunod ang torso, and the rest is history. Whew. Nailed it! Sa wakas nakalabas rin!

Ipinagpatuloy ko nga ang balak ko na magtungo sa dako roon. Hindi ako aware na townsquare pala yun.

This place looks really familiar to me, yung architecture ng mga building ay parang nakita ko na dati. Lalo na yung napakalaking fountain sa pinakagitna ng plaza. May statue sa gilid niyon. Peculiar. Usually nasa center island ng fountain ang mga statues eh.

Kakaiba rin yung posture ng statue. Nakatunghay yun sa tubig ng fountain na parang nanalamin. He must be... Narcissus?

Lumapit ako sa kanya. Tiningnan ko sa tubig kung ano ba ang reflection na inaaninag ng statue. Naelibs ako dahil may isa pa palang statue sa ilalim pero babae naman at direktang nakatingala yun sa statue na katabi ko.

Forlorn Madness 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon