4th Madness

2.7K 85 2
                                        

Aster's POV

Nom. Nom. Nom. Nom.

Nabusog na ako sa pagtingin pa lang kay Antigoné. Lamon tong batang ito!

Kinalahati niya yung lechong baka na inorder ni Kan!

Nandito kami sa isang diner na buhay pa rin. Marami rami pa kasing bampira ang nandirito at himalang walang undeads na naliligaw sa gawing ito ng Area 1. Malamang may Shielder o Divider ang prumoprotekta sa lugar na ito. Yari kami pag nalaman nilang isa akong Evil Druid.

"—Paano mo nalamang gushto kong kumain ng Lechon? Yiee— aack!" nahirinan si Antigoné. Yan ang napapala ng mga nagsasalita habang kumakain!

Tinapik ko ang likod niya, kaso napalakas yata. Sumubsob ang buong mukha niya sa platong kinakainan niya. Hahaha~

She stood up, with a greasy pink face, at nanlilisik ang mga mata niya sakin. "NANANADYA KA NA ASTER! SALBAHE KAAAA! AYOKO NA SAYO! AHETCHU!"

Pinunasan ko ang mukha niya tas hinimas himas ko ang balikat niya. "—Bhe di naman sadya ni kuya eh. Sorry na."

The little brat jerked away. Iniusog niya ang upuan niya para tumabi kay Kan. "SI KAN-CHAN NA ANG LOVE KO! BLEAH!"

Tong Kan naman na to nangunsinti pa! "Akin na tong baby na to." nagsalita siya gamit ang bibig! What the fuck men?! He even stroked Antigoné's hair!

Fine. Pagbuhulin ko pa kayong dalawa eh!

"Ei guys! Sensya na ngayon lang ako dumating!" may biglang kumaltok sa ulo ko na galing sa likuran.

Si Farfait ang salarin. He's our motherfucking drummer. Hawak pa niya ang isa niyang drumstick na pinangtambol lang naman niya sa ulo ko ngayon lang!

"—ANAK NG PUSIT! BAKIT MO AKO PINELTOKAN?!" bulyaw ko sa kanya.

"Well..." humila siya ng isang upuan sa next table tas tumabi rin kay Antigoné. Sinandwich nilang dalawa ni Kan ang kapatid ko! "—Hindi mo kasi dapat inaaway ang beb ko."

"Eh kung sikuhin ko kaya kayong dalawa ni Kan sa ngalangala? Ang chix ko ay chix niyo rin; pero ang kapatid ko, akin lang! Gumawa kayo ng sarili niyong kapatid mga ungas!" hindi ako galit, natatawa nga ako eh.

Nag-cross arms si Farfait. "—Boring. Wala na si Mika-babes kaya wala na rin tayong plaything. Tas ipinagdadamot mo pa si beb samin? Life sucks—! OY!"

Napailag si Farfait dahil isasaboy ko sana sa kanya yung sauce ng lechon.

Iba ang trip naming tatlo pagdating sa babae. Hindi kami yung nagpaparami ng chix. We settle for one girl. Liligawan namin simultaneously tapos sabay sabay naming idadump pag may gusto na samin.

It's just for fun. Lahat kami nag-undergo ng napakasakit na heartbreak kaya we rebel.

Forlorn Madness 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon