Aster's POV
Hinagod ko ang aking binti. Naging masangsang ang amoy niyon at lalo pang nag iba ang kulay. Nakakuha ako pati ng ilang uod sa parteng natutuklap na ang balat.
Subok na ang sikmura ko sa mga nakakadiri dahil halos araw araw akong nakakaengkwentro ng mga undead... Pero itong nangyayari mismo sa ginagamit kong katawan?! SHIT ITO!
Nababadtrip na naman ako! Kailangan ko ng diversion!
Nagtungo ako sa may bintana para pagmasdan sana ang tanawin. Nakatawag pansin sakin ang formation ng mabigat na ulap sa kalangitan pagdungaw ko. Ang pinakasentro nun ay nasa isang bahagi ng ilog.
Mayroon akong hindi maipaliwanag na urge para magpunta run kaya naman inulit ko ang pagdaan sa trapdoor at sa sewer, maging sa fence.
Palakas nang palakas ang hangin habang papalapit ako sa tabing ilog, waring may nagbabadya na namang unos. I saw a man in a black cloak. Nakatayo siya sa pinaka edge ng pampang habang nasa tabi niya ang isang walang malay na lalake, probably his victim.
I'm dead sure na siya ang dahilan ng disturbance dito! Don't fucking trust black cloaks. They define evil men.
Napansin agad niya ako. Paglingon niya, nakamaskara pala siya. Kumislot siya and then I realized he's advancing towards me!
Namamanhid ang mga limbs ko. I can't run, nor even move! Ang bilis pa naman niyang kumilos na para bang wala siyang paa o walang gravity underneath him, like he's moonwalking. Nag islide lang yung laylayan ng cloak niya sa snow.
"Aster, wag kang maalarma sakin! Tutulungan kita!" aniya pagkahawak niya sa mga balikat ko. Nabobosesan ko yata siya? O masyado lang akong agitated? SAWAKAS MAY TUMAWAG NA RIN SAKIN SA TOTOO KONG PANGALAN!
He finally took off his mask— and sad to say, siya si Papa. His face is clear. Walang kahit na anong vandalism. But seriously, WALA na talaga akong tiwala sa pagmumukha ni Papa. Putcha pati mukha niya napa-pirate na these days!
"BITAWAN MO SI ZENITH! IMPOSTOR!" someone shouted behind me. When I looked at my back, nandun si papa na may mga marka sa katawan.
Aaaaarghhh I'm so confused now.
"Anak ko ang batang ito at siya ay iyong apo. Ama pakiusap, wag mo na siyang pahirapan pa."
WHAT THE FUCK?!
"TUMIGIL KA! AT WAG MO AKONG MATAWAG TAWAG NA AMA!"
Akala ko hanggang mamaya pa matatapos ang sagutan nila. Biglang hinawakan ni papa (the one in front of me) ang leeg ko. Then he uttered something I could not comprehend.
"Ibabalik kita Aster. Nakakita na ako ng katawan para sayo. Kapag hindi ako nakasunod, wag mo na akong hanapin. Alagaan mong mabuti ang mama at kapatid mo."
BINABASA MO ANG
Forlorn Madness 2
VampirosThis is Forlorn Madness: Book 2 A Masterpiece by direk_whamba