75th Madness

1.6K 59 0
                                    

Aster's POV

Wala na akong inaksaya pang oras. Tumakbo ako para makalapit kay Aning. Walang katao tao kaya so far wala naman akong nakabanggaan along the way.

Magkahalong dismaya at relief ang naramdaman ko nung biglang sumulpot si Senri sa likuran ni Aning. Pare pareho kaming nagkatinginan sa gitna ng plaza.

"Aning, sumama ka na sakin-" inilahad ko ang kamay ko sa nakababata kong kapatid. Ginagawa ko ba talaga ang bagay na ito upang iligtas ang kapatid ko o para mailigtas ang girlfriend ko?

Nararamdaman kong anuman sa dalawang yun ang priority ko, parang may talo pa rin...

Naalerto ako nung naglahad din ng kamay niya si Aning. "Kuya-?"

Totoo ba ito? Tinawag niya akong 'KUYA'?!

Sandali-wala na naman siya sa sarili niya ah?! Nangyari na ito...

Bumaling ako kay Senri. Di yata't napakaexpressionless niya-considering nandito ako para gawin siyang inner soul! Kumilos siya at niyakap si Aning mula sa likod. Dun ko napansin na mas malabo sa paningin ang kanan niyang braso kesa sa kaliwa.

"-Hanggang ngayon ba ay wala kang ideya kung bakit madali mo kaming natunton, ha Aster?"

"A-Anong ibig mong sabihin Senri?!" kunot noo kong tanong.

Ngumiti si Senri habang nasa bisig niya pa rin ang aking kapatid. "Sinadya kong magkita tayo ngayon-para iparating sa iyo na maari na akong mawala anumang oras..."

ANO DAW?!

 

****

 

Senri's POV

Inilayo ko si Antigone sa pisikal na mundo hindi para sundin ang pansarili kong kapritso. Gusto ko siyang protektahan laban sa mga nilalang na malaki ang interes sa kanyang kapangyarihan-ayoko na ulit mangyaring magsilbi siyang catalyst para gumana ang Inferni Sigillum na balak gawin ni Xerun.

Naudlot na ang nauna niyang plano subalit hanggat nakaukit ang sigil ay gagawa siya ng paraan para magamit yun nang naaayon sa silbi niyon: upang muling buksan ang tarangkahan tungo sa isinumpang lugar ng mga diablo.

Alam ko kung sino si Xerun at kung ano ang pangarap niya... bata pa lamang ako at ni hindi ko siya kilala nang makita ko na ng ilang beses ang kanyang nakaraan at kung paano niya unti unting inagaw sa kamay ko ang sarili kong angkan gamit lamang ang kanyang matabang imahinasyon.

Natatakot ako sa mga masasamang pangitain na madalas gumagambala sa akin noon-na nagtulak sakin para piliin ko ang mahirap na buhay na may sumpa ng panghabambuhay na sugat. Nakisabay ako sa agos ng tadhana sa loob ng maraming taon-hanggang sa dumating sa buhay ko ang aking pinakamamahal...

Forlorn Madness 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon