36th Madness

1.9K 71 2
                                        

Cerylle's POV

NAKAKAHIYAAA AKOOOO—! Ugghh...

Bakit ko pa kasi naisip na iprovoke si Aster?! Phew buti na lang at di natuloy. Grabe kinabahan talaga ako!

Yiee nakakahiya talaga!

Parang aso pa akong nag roll over sa sofa kasi nga— NAHIHIYA AKO SA KAGAGAHAN KO!

Thud!

Bigla biglang bumukas ang bintana. Sumungaw dun si Farfait na ngingiti ngiti. "Ano, dineadma ka? Buti nga sayo."

Imbis na mainis ako sa pang aasar nitong si Fait, I smiled to myself. Atleast kahit foul-mouthed na yung pinakamamahal ko, hindi pa rin siya nagbabago. Ayaw na ayaw ni Aster ng babae ang nagpapakita ng motibo sa kanya.

But after a while, naalala ko na malaki nga pala ang atraso sakin ni Fait. I crumpled the chiffon sheet of my gown, napasama lang nung kinuyom ko ang mga palad ko. I just had this very strong urge to punch somebody. Tumayo ako mula sa sofa pagkatapos ay sinugod ko si Fait. Nahalbot ko ang collar ng suot niya. "Aminin mo nga sakin yung totoo? Ikaw ba ang may kagagawan kung bakit hindi niya ako maalala?!"

"Hahaha! Chill!" he hoisted his hands up in the air, like he was being arrested by a cop. Mas lalo akong naiinis sa gestures niya!

"—Hindi ako ang gumawa nun sa kanya. Couldn't you analyze? Hindi memory ang nawawala kay Aster..."

"THEN WHAT?!" I demanded. Naloloka na ako jusko.

Dahan dahang inialis ni Fait ang kamay ko na nakaclutch sa collar niya. "—Mayroon akong hawak na maliit na impormasyon. But let's do the same old procedure as vampires Cerylle... a trade."

"Forget it. Wala akong maisip na pag-iinteresan mo sakin. I don't have anything right now. Ako na lang ang bahalang umalam kung ano ang nangyayari kay Aster—"

"Yan ang hirap sayo, ayaw mo munang alamin ang hihingin ko." he pushed me so that he can climb up inside this room. Prente siyang naglakad at naupo sa isang armchair. "Ang gusto ko lang ay ikwento mo sakin kung ano ang nagyari sayo. Bakit ka nagkaganyan?"

I automatically casted him with a look of pure suspicion. Kung anuman yung nangyari sakin ay dapat na manatiling sikreto lang namin ni ina. Mapapahamak ako kapag lumabas ang tungkol dun! Pero si Aster...

"Oh bakit ka ganyan makatingin? Natatakot ka ba na baka itrade ko din sa iba ang kung anumang sasabihin mo?"

Marahan akong tumango sa kanya.

He shrugged. "Ang kahit na sinong miyembro ng Forlorn Madness ay hindi maaaring traydorin o patayin ng isa pang miyembro ng Forlorn Madness. Kamatayan ang siyang magwawakas sa buhay ng sinumang sumuway sa covenant ng ForMad."

Napukaw agad ako sa mga sinabi niya ngayon lang. "Anong ibig mong sabihin na may covenant ang ForMad?"

Forlorn Madness 2Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon