Aster's POV
I was lost at a wrinkle in time. Sa isang iglap ay parang nawala na ang gapos ko sa mga pangyayari... na para bang dinaanan ako ng oras na kasing bilis ng nanalantang bagyo.
Nalaman ko mula kay Ary ang mga mahahalagang nangyari sa nakalipas na dalawang taon: ang undead plague at ang banggaan ng aking pamilya at ng mga Vral. Nabanggit din ni Ary ang masamang sitwasyon nina Fait at Aning.
Buhay pa naman pala ang aking mga magulang. Ikinagagalak ko yun, subalit may bagay akong inaalala.
May ikinuwento naman ako kay Ary in return. Ang tungkol sa pinakalast events na narerecall ko bago ko namalayan ang sarili ko kanina.
Dinala ako noon sa Melange fortress kung saan naghasik ng lagim ang mga necromancer. Isa ako sa mga nag annihilate ng mga kapwa ko bampira... walang makakarecognize sa akin dahil suot suot ko rin ang itim na robang suot nila.
Sumunod ako sa mga ipinag uutos nila hindi dahil gusto ko... kundi dahil hawak nila ako sa leeg.
Bihag nila ang aking nakababatang kapatid na siyang tanging alaalang naiwan ng mga magulang kong inakala kong namatay na.
Pagkatapos ng digmaang pumabor samin, isa isa kaming nagsitayuan sa loob ng napakalaking diagram na nakaukit sa kalupaan ng Melange na binaha ng dugo. Katabi ko sina Kan at Fait na obligado ding sumama sa pamamaslang.
Tumayo sa pinakamataas na pedestal ang kinikilala naming pinuno ng Vral at ng Black Church.
"Marami na tayong naipong vitae (kaluluwa). Anumang sandali ay maaari na nating buksan ang inihanda nating Inferni Sigillum!"
Wala akong masyadong alam tungkol sa Inferno Sigillum na iyon. Base na lang sa translation niyon ay isa yung seal ng impyerno. Pangarap yata ng mga Vral na iextend ang kanilang greatness hanggang sa lugar na yun kaya't gusto nilang buksan ang tarangkahan tungo dun.
Nagtagis ang bagang ko nung makita ko si Aning na solong naglalakad patungo sa gitna ng seal...
Pinigilan ako ni Kan nung kikilos sana ako. NAKAKAINIS! Ayokong tumayo na lang ako dito at pagkatapos ay panooriing isinasakripisyo ang kapatid ko! PERO HINDI KO ALAM ANG GAGAWIN KO! Kapag pinairal ko ang galit ko, posibleng mamatay ako nang hindi ko man lang siya mailigtas or worse ay pareho kaming mapaslang!
Sa iba ako bumaling ng tingin nung huminto na sa pinakagitna si Aning na halatang wala sa sarili niya. Dumapo ang paningin ko sa isang bangkay ng babaeng bampira.
"NARITO ANG DESCENDANT NG IKATLONG HENERASYON NG MGA DESTROYER! TUTULUNGAN NIYA TAYO PARA ABUTIN ANG ATING MGA PANGARAP!"
Mas nagulat pa ako sa nakikita ko kesa sa aking naririnig... paano'y biglang kumislot yung tinitignan kong bangkay!
"Ano yun?" pabulong kong tanong kay Kan na siyang pinakamalapit sakin.
Tumayo yung babaeng bampira at pagkatapos ay naglaway na parang nauulol. Kakaiba rin ang behavior niya. Pagewang gewang siya nung pilitin niyang maglakad patungo samin.
"TANGA SA LIKOD MO!" di ko sadyang mapasigaw. Isa pang nauulol na bampira ang dadamba sana kay Kan. Naiharang ko ang braso ko just in time bago siya nun makagat.
Ibinaon ko na nga ang kamay ko sa dibdib niya lahat lahat ngunit ayaw pa niyang mamatay!
"AAAAAAHHHHHHH!"
Lumingon ako kay Aning. Mayroon malaitim na kuryente ang lumalabas sa kanyang katawan! Nung tumama yun sa mga creases ng lupa, walang hindi natamaan. Ang iba ay agad naglaho na parang bula sa hangin?
BINABASA MO ANG
Forlorn Madness 2
VampireThis is Forlorn Madness: Book 2 A Masterpiece by direk_whamba
