Hio's POV
Sigurado akong sa Palanquin nanggaling ang sigaw ngunit tahimik na yun ngayon. Nakakapagtaka lang kung bakit nasa upper yard na kami ay pabalik naman sila ng lower yard. Eh di ba nga nagbangka yung bata para makapunta ng upper yard?
"Sundan natin sila Kape pero wag kang lilikha ng kahit na anong ingay." bulong ko.
Madali lang ang naging pagsunod namin sa kanila dahil sa unos. Bibihira lamang silang lumingon sa likuran dahil sa malakas ang hangin. Since hindi kami sa ilog, maraming
eskinita ang aming dinaanan.
Natanaw ko ang malaking arko na nagsisilbing pananda ng hati sa pagitan ng lower yard at upper yard. Parang isang hagdan ng estado kung ituring ang Erdan. Ang mga maliliit at simpleng mamamayan ay sa lower yard lamang; ang mga mayayaman at elitista ay malayang maglabas masok sa upper yard at lower yard; at ang mga maharlika ay naninirahan sa pinakamataas na elevation. Isa iyong alegorya na kapag ikaw ay pinuno ay abot mo ang langit sapagkat ikaw ay iniluklok ng Diyos upang magsilbi sa mga tao.
Ilang minuto pa ang lumipas nang maiba ang ruta ng palanquin. Patungo na iyon sa tabing ilog, partikular kung saan may makapal na mist.
Nakapagtataka lang ah... Parang may nag aabang yata sa pagdating nila?
May mga nakasinding sulo kaya't kitang kita ko kung gaano sila karami... Bigla kong hinila si Kape para makapagtago kami sa likod ng isang gusali.
Ang daming tao! Halos buong kabaryohan yata ang nakatunghay sa papalapit na palanquin! Ano kaya ang meron?
Lumapit sa isang may edad na ginoo ang binatang nanguna sa paghahatid ng palanquin.
"Lord Cilydd, dala na po namin ang inyong panganay na anak."
Sumulyap yung tinawag na 'Lord Cilydd' sa batang lalake na katabi niyon. Mas bata yun kumpara dun sa nakasabay namin sa bangka. "Syl, anak... Simula sa araw na ito ay ikaw na ang itinakdang magmamana ng aking titulo balang araw. Ikaw ang panganay na anak ng Cilydd at wala nang iba!"
"S-Si kuya Aphra po? Anong mangyayari sa kanya?" maang na tanong ng paslit sa kanyang amang kurimaw.
"Panginoon, sa aking palagay ay masyado pang bata si Lord Syl upang maintindihan niya ang kahalagahan ng ating taunang pag aalay! Iminumungkahi kong paalisin siya dito sa lalong madaling panahon!" anang isang matandang babae na may hawak hawak ng isang lumang sledgehammer. Ohhh shit she speaks sledgehammernese!
Umiling ang panginoon sabay akbay sa anak niya. "Mas maiging masaksihan niya ang ating pag aalay nang sa gayon ay alam na niya ang kalakaran."
Kalakaran?! What the fuck men? Wala akong tiwala sa mga pagmumukha nilang lahat! Parang may gagawin silang hindi maganda o anuman yun!
"Binabati ka namin sa iyong pagsasakripisyo Lord Cilydd! Hindi birong desisyon ang pinagdaanan mo para lang magpasyang ibigay ang iyong panganay sa ating bayan! Dahil diyan ay sigurado kong ikaw ay bibiyayaan ng dakilang halimaw ng maalwan at masaganang pamumuhay!"
BINABASA MO ANG
Forlorn Madness 2
مصاص دماءThis is Forlorn Madness: Book 2 A Masterpiece by direk_whamba