Kan's POV
Itinakas ko mula sa Area 1 ang katawan ng aking kakambal. Dinala ko siya kasama ni Fait sa isang pribadong villa na pag aari ko na malapit sa East coastline.
Pinagmasdan ko si Senri na inihiga ko sa kama. Mas lalong lumala ang kanyang kondisyon. Malaki ang posibilidad na maging abo na ng tuluyan ang kanyang katawan kapag pinili niyang abandonahin na ito for good.
Ang sumpa ng kanyang sugat ay nagmula sa isang malayong kamag anak na pumaslang sa aming ama. Puno ng inggitan sa loob ng aming angkan na nareresolba lang kung magkakamatayan.
Hindi ko makakalimutan ang pagliligtas niya sakin bilang nakatatanda niyang kapatid. I was just being too ungrateful... kaya araw araw, nagiging inggit ang damdamin niya para sakin. Ako kasi dapat ang nasa sitwasyon niya.
"Senri... galit ka pa rin ba sakin hanggang ngayon?" wala sa loob kong bulong. Yun lang ang naiisip ko kung bakit ayaw na niyang bumalik.
Limang taon na ang nakalipas nung huli kaming nagkausap... at nauwi pa yun sa matinding away naming dalawa.
Hindi ko kasi gusto na mag ukol siya ng pagtingin para sa napakabatang bampira. Parang baliw na siya...
Mas lalo siyang naging tahimik hanggang natagpuan na lamang namin siya isang gabi na naliligo sa sarili niyang dugo. Bumulwak ang mga sugat niyang ayaw maghilom.
Ang sabi nila ay hindi na siya tatagal kaya napagpasyahan nang gawin siyang abo. Hindi iyon natuloy dahil bigla na lang naglaho ang kanyang katawan... na hanggang ngayon ay palaisipan para sakin kung sino ba ang nagtago.
"Ahh?!"
Napukaw ang atensyon ko ng isang impit na sigaw. May bagay na ikinagulat si Asha. Iniwan ko siya sa sitting room kanina kasama ni Farfait.
Lumabas ako ng silid. Nakatayo si Fait At kaharap ang aking rod.
Pinagkrus ko ang aking mga braso. "Nakabalik ka pa pala?"
Nagkibit balikat si Fait. "Hindi naman ako nawala. Kailangan ko lang ng panahon para makapagpahinga."
"At pagkatapos anong gagawin mo? Chase away Senri again?!"
Sunod sunod ang pag iling na ginawa ni Fait. "Kung hindi ko siya kaya sa Astral world, gagawa ako ng paraan para mahila ko siya pabalik dito sa pisikal na mundo. Bakit? Ayos lang sakin kung kakampihan mo ang kakambal mo?"
I shoved him away. "Wala akong pakialam sa away ninyong dalawa. Parehas lang kayong baliw... baka gusto mong puntahan ang 'pinakamamahal' mo? Alam mo na ba kung ano ang kondisyon niya? Dahil sa agawan ninyo, mapapahamak pa yata siya."
Seriously... hindi ako makapaniwala sa mga pinagsasabi ko. Hindi ko kasi ugaling magpakita ng concern eh... parang nagiging mabait na ako na ewan.
BINABASA MO ANG
Forlorn Madness 2
VampirosThis is Forlorn Madness: Book 2 A Masterpiece by direk_whamba