54th Madness

1.7K 55 1
                                        

Asha's POV

Nakatulog ang prince ko habang nakaupo siya sa armchair at nagbabasa ng isang libro.

Ilang araw nang watak ang bandang ForMad. Wala si Cerylle, si Fait, at si Aster. Nakahang ang landline at nakapatay ang phone ni Kan. Hindi rin kami dumadaan sa front door kapag lalabas ng penthouse; precautions para iwasan ang makulit nilang manager na kulang na lang ay pakuluan sila sa dami ng nacancel nilang meet-and-greet at lives.

Nalaglag yung librong nasa kandungan ng Prince Kan. Kumilos ako at pinulot yun. Di ko

mapigilang tumingala sa mukha niya.

I really really love him. I'm his' and that's what I've been living for... yet hindi pa rin buo. There's this part of me na left behind dahil sa isang bagay na di ko magawa noon.

Pero kayang kaya ko na ngayon.

Tumayo ako and then I lightly touched his cheek. "I'm going... I'll be back before you wake up."

Nagbukas ako ng bintana. Tumalon ako mula dun para makalabas ng tower. Marami nang transitions ang nangyari simula nung maging isa na rin akong vampire. Nariyang sanay na ako sa fast motions, and free falls.

I went into another condominium tower na madalas kong puntahan noon. Nilagpasan ko ang receptionist sa lobby at nagtuloy tuloy papuntang tube elevator.

"Himala! Hindi yata siya nakapostura ngayon?" kahit malayo na ako, dinig na dinig ko ang bulungan sa reception counter. They knew me well. I've been here load of times.

I glanced at what I'm wearing. Plain white mini dress and a flat doll shoes. Am I not that fashionable to them? I don't care. I'm forever young naman eh.

Ting!

Bumaba ako sa 12fth floor. Lumakad ako pakaliwa at nilagpasan ang dalawang pinto. I stopped at the third. Nakalock yung pinto pero nabuksan ko yun sa isang tulakan lang, yun nga lang nasira ko yata yung lock.

Tahimik sa loob. Ibig sabihin, walang inuman, himala.

Diredirecho ako hanggang sa sala. Di na ako nag abalang buksan ang ilaw. Mas maganda pa nga siguro ang ganitong dimness.

Nakiramdam ako. I'm hearing footsteps. He's here. Do I need to hide??

Crash!

May nabasag na chinaware. Nabitawan kasi yun ng taong kagagaling lang sa kitchen. "A-Asha? Ikaw ba yan?"

I forced a smile. "Ako nga Haru..."

Hinubad ko ang suot kong shoes. I walked barefooted towards him and trampled on the shards of broken teacup.

"OY BAKA MASUGATAN KA NIYAN!" he chided me.

Forlorn Madness 2Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon