63rd Madness

1.9K 60 0
                                    

Aster's POV

Pagmulat ko ng aking mga mata, tapos na ang sakit na naramdaman ko kanina. Ang akala ko ay papatayin na nila ako.

Kailangan kong makaalis dito... Kailangan kong mailayo si Antigone para di niya danasin ang mga dinadanas ko!

"Huhuhuhuh~"

May umiiyak ngunit sino? Nasaan?

Nanlalabo pa ang aking paningin ngunit pinilit kong aninagin ang kapaligiran ko. Iniwan ako ng mga ginoo na kani kanina lang ay nandito sa silid. Nag iisa na lamang ako? liban sa isang batang babaeng lumapit sa gilid ng kinahihigaan kong kama.

Siya yung umiiyak.

"Bakit ka umiiyak?" nagulat ako pagkat umusok ang bibig ko nung ako'y nagsalita. Daig ko pa ang isang tambutso ng jeep. Sigurado akong may ginawa talaga sila sakin na kung ano!

Ginagap ng batang babae ang palad ko. Napansin kong duguan ang kanyang pulso. "Kinalimutan mo na nga talaga ako..."

Nangunot ang aking noo. Hindi ko siya kilala kaya't paano niya nasabing 'kinalimutan' ko siya?

"S-Sino ka ba?" nawala na sa wakas ang usok na lumalabas sa aking bibig.

Binitawan niya ang kamay ko. Mukha siyang dismayado na di mo malaman. Saka siya tumalikod at tinungo ang nag iisang pinto ng silid na ito.

"Sakin ka unang nangako at hindi sa kanya." napakamisteryo ng pinakahuli niyang sinabi bago siya umalis.

Pag upo ko ng kama, bumukas ang pinto. Ang akala ko ay bumalik siya dahil may nakalimutan siya.

Iba ang pumasok sa silid... apat na bampirang may hawak na mga matatalim na sandata!

"S-Sino kayo?"

WHACK! THUD!

Bigla na lang akong sinibat ng pinakamalayong bampira. Tumama ang sibat sa aking tyan at natangay pa ako sa headboard kung saan bumaon ang dulo niyon. Napasuka ang ng pinaghalong laway at dugo.

Papa... Nasaan ka? Tulungan mo ako!

Hindi. Imposible. Mahinang mahina na si papa ngayon. Ni hindi niya kayang maglakad sa sarili niya.

Sinugod ako ng isa pa sa apat na bampira. Naitarak niya sa aking dibdib ang hawak niyang espada. Kung hindi ako bahagyang yumuko baka natamaan na niya ang puso ko!

"AAAAAARRRRGGGGHH?!" namilipit ako sa sakit nung inikot ikot pa niya ang talim ng espada.

Wala na akong ligtas dito! Papatayin nga nila ako!

Pero pag nawala ako, paano na si Antigone?! Hindi ko siya dapat pabayaan!

Forlorn Madness 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon