29th Madness

1.8K 73 1
                                        

Aster's POV

"Mukhang hindi na yata babalik yung babaeng kasama ninyo..." for some reason seryoso na ang expression ni Papa, parang gusto niya akong pagalitan na ewan. I didn't do anything wrong, right?

Sinipat niya ang grandfather clock na nakasandal sa pader bago niya kami niyayang bumaba na.

"Ano po ang gagawin ko?" tanong ko.

"Ang gusto kong gawin mo ay tumayo ka sa gitna ng bulwagan. May hinanda akong seal doon at dapat kang umapak ka sa gitna niyon. Habang nandun ka, asahan mong walang sinuman ang makakapansin sa iyo, liban sa dalagang mapupusuan ka. Mayroon kang dalawang choice. Either hintayin mong may lumapit sayo o lumabas ka ng seal at ikaw ang lumapit sa sinumang mapupusuan mo."

I nodded. "Gagawin ko po ang mga sinabi mo Papa."

Ngumiti na uli siya kaya napalagay ako. "Good. Mauna muna ako ha? Mayroon pa akong aasikasuhin. Di ako lalabas ng Rose mansion at pupunta rin ako ng bulwagan mamaya—" saka siya bumaling kay mama. "Mama, ikaw na ang bahala sa mga anak natin."

Nauna siyang lumabas ng pinto samin. Papunta na rin sana ako sa doorway pero pinigilan ako ni mama. "Mag-usap muna tayo anak."

"Tungkol po saan mama?"

Lumingon siya kay Aning. " Baby, upo ka muna sa couch, mag-uusap lang muna kami ng kuya mo."

Sinunod ni Aning ang utos niya, at kami naman, dun sa doorway nag usap.

"Tutol ang papa mo sa proposition ko pero hindi pa rin nagbabago ang stand ko at gusto kong malaman ang opinyon mo tungkol dun."

Mukhang seryoso tong topic namin. Saang bagay hindi nagkakasundo sina mama at papa?

"—Icoconsider mo ba ang pagpapakasal kay Antigone kung sakali?"

WHAT?!

Ang tagal ko bago nakapagbigay ng response kay mama na hindi rin maayos. "E-Eh mama, ano kasi—"

"Incest? Aster, uso yun sa mga bampira. Ang mga magulang ko ay magkapatid sa dugo. Kung tutuusin, Malayo pa dun ang relasyon ninyo ni Antigone kaya—"

The thought of marrying my little sister sends me spine chills. Inalagaan ko si Aning for how many years bilang kapatid at hindi bilang object of affection. I knew this is going 

to be a major complication one day, kaya tama lang pala na ibinigay ko siya kay Farfait!

"I'll think about it mama." I'm lying. Hindi ko na pag iisipan ang suggestion niya. I'm pretty sure may makikita akong prospect bago mag umaga.

We called for Antigone tas sabay sabay na kaming bumaba dun sa ball room. Maraming beses na akong nakakadalo ng mga pagtitipong gaya nito. Vampires love masquerade balls. We enjoy seeing colorful masks rather than beautiful faces. Sa mga maskara nakikita ang style, sense, preference, at creativity ng isang bampira na hinding hindi mo maaapuhap when  you look straight at their poker faces.

Forlorn Madness 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon