Hio's POV
"Halika na!" walang anu ano'y hinila ni Ivy ang braso ko at kinaladkad niya ako palayo mula sa silid na pinagdalhan kay Aster.
Para siyang tanga. Pinagdedesisyon niya ako kung tutulungan ko ba siyang makaalis ng manor na ito pero kita niyo, siya pa tong tumatangay sakin!
Pilit kong nililingon ang silid hanggang sa makaliko na kami ng pasilyo.
Dahil di ako nakialam sa takbo ng mga pangyayari, tiyak na puro paghihirap at dusa ang pagdadaanan ng aking anak.
May choice ako at minabuti kong piliin ang makabubuti sa lahat balang araw. I chose to walk out of this. Masama lang siyang tingnan sa ngayon.
Nagsurvive naman si Aster kung tutuusin at bonus pang nabawi niya si Anne... Ang gusto ko lang malaman mula sa kanya ay kung nagtanim ba siya ng galit sakin o kaya ay kung isinusumpa niya ako dahil pinabayaan ko siya...
Lumiko kami ni Ivy at pumasok sa isang walang taong silid.
"Buksan mo ang iyong dimension point ngayundin." utos niya sakin. Like a boss lang eh.
Napakamot ako ng ulo. "Bubuksan?! Magsasayang lang ako ng kapangyarihan. May pwersang kumokontra sa pagbubukas ko ng mga portal ko."
"Magtiwala ka sakin." pag aassure niya.
Ginawa ko na lang din. Nag angat ako ng manggas. Inscribed na kasi sa braso ko ang magic circle para sa aking dimension point.
Inoffer ni Ivy ang braso niya. "Sa akin mo isulat ang iyong inskripsyon."
Okay. Basta mga chix, sinusunod yan eh. Itinutok ko sa braso niya ang mahabang kuko ng aking hintuturo. "Sigurado ka ba? Masakit to. Saka baka masira yang kutis mo sa braso."
Tumango siya kaya itinuloy ko. Ibang klaseng pagmamarka ang ginagawa ko pag nag iinscribe ako sa katawan. Bumabaon yun sa laman at nagmamarka once na naghilom na ang sugat.
"Maganda ang pagkakagawa mo sa magic circle ng iyong dimension point at di basta basta nanenegate ng kahit anong uri ng mahika. Ang problema sayo ay hindi ka pa nagpapahinga. Matagal ka nang said ngunit pinipilit mo pa ring gumamit ng kapangyarihan." ani Ivy.
Kahit di niya naman talaga nababasa ang mga inscriptions ko, nauunawaan niya kung ano ang purpose ng bawat linyang iginuguhit ko. Hindi yun 'wala lang' o dahil trip ko lang. Ang galing!
"Sa totoo lang pagod na pagod na ako; ayoko lang tumigil. Hindi pwede."
Bahagya siyang napakislot nung iginuhit ko ang unang linya. Dumanak agad ang dugo niya. Mas masakit talaga kaysa sa ordinaryong pag iinflict ng sugat ang inscribing. Kumbaga isa itong uri ng pagtatattoo na ang ginagamitan ng kapangyarihan at dugo.
BINABASA MO ANG
Forlorn Madness 2
VampireThis is Forlorn Madness: Book 2 A Masterpiece by direk_whamba