Shall's POV
Wala akong ginagawa dito at yun ang bagay na ikinababahala ko. Sa mga panahong nasasayang ko sa pag-i-stay dito, marami na ang nangyari sa labas.
Pakiramdam ko ay daig ko pa ang nakapiit dito sa isang luma at abandonadong kastilyo na dating pag-aari ng isang maharlikang angkan ng tao?
Tch... Aalis ako! Kailangan kong malaman kung ano ang mga nangyayari sa labas!
CRACK!
Tinibag ko ang isang bahagi ng pader na granite. Hinila ko ang bakal na biga bago ko tinungo ang pintuan.
May ilang araw na ding hindi nagpapakita sakin si Xerun kaya naiisip kong wala siya dito sa kastilyo.
Wala akong nakasalubong na sinuman habang nilalakad ko ang mahabang pasilyo. Walang bintana ang pasilyong tinutukoy ko. Sa kagustuhan kong makahanap ng mabilis na escape route, sinimulan kong tibagin ang bawat pader na maisipan kong daanan tutal marupok na lang din naman ang kastilyong ito.. bakit hindi ko na lang tuluyang sirain?
BAM?!
Napatda ako sa pinakahuling pader na dinaanan ko. Paano'y nasumpungan ko si Xerun na may babaeng kinakausap. Naningkit ang mga mata ko nang mapagtanto kong ang babae ay walang iba kundi ang malanding ahas na si Licorice!
Tch... Wala akong nakita so don't mind me! Aalis na ako?
Nakatalikod na ako nung may pumigil sa akin. Agad akog pumalag. "BITAWAN MO AKO!" I snapped. Mabigat ang kamay ko pero kaya niyang pigilan ang pwersa ko. Para kaming nagbubunom-braso!
Still, Xerun hadn't let go of my hand. "Nagseselos ka ba sa kanya?"
"At bakit ko siya pagseselosan sayo?!" mataray kong tanong.
Ngumiti siya at pagkatapos ay binalingan niya si Licorice. Ikinagulat ko ang sumunod na nangyari. Nagtransfigure ang katawan ni Licorice sa napakaraming mga uwak na mga nagsiliparan patungo kay Xerun.
Binugaw ko ang mga lumalapit sakin. Lahat sila ay nawala rin naman dahil inabsorb ng katawan ni Xerun.
"Matagal nang wala ang totoong Licorice!" walang nakakatawa pero tumawa si Xerun. "Hindi ba nakakatakot na ang mundo?! Ang mga inaakala mong tunay ay peke pala? Hahahaha!"
"SINO PA ANG MGA NILALANG NA BINIKTIMA MO?!" sa sobrang sama ng nararamdaman ko, para akong sasabog sa galit!
Napapaisip na tuloy ako dahil sa mga sinabi niya... sino ang tunay at sino ang peke. Ni hindi ako makahanap ng difference... HINDI! Ayoko nang malaman na may respawned kahit isa sa mga mahal ko... I'll freak out!
"Anong problema Shall? Bakit ka nagagalit sakin?" binitawan ako ni Xerun subalit inilagay naman niya ang kamay niya sa pisngi ko. "Ayaw mo ba sa mga peke? Kung ganun ay bakit mahal na mahal mo ang iyong asawa?! Kung may hindi totoo man sa mundong ito, siya ang pinakauna sa listahan... Di ba naging desperado siya para lang manatili sa loob ng katawang hindi naman talaga kanya??!"
BINABASA MO ANG
Forlorn Madness 2
VampireThis is Forlorn Madness: Book 2 A Masterpiece by direk_whamba