55th Madness

1.7K 52 8
                                    

Aster's POV

Bakit ganito makatingin sakin tong chix na to? Kala mo lalamunin ako nang buhay eh.

"Haru... How did you manage to?"

"Live?" ako na ang tumapos sa gusto niyang itanong. Kuha ko na agad kung bakit siya naliligalig. She's the one who killed the dog whose face was the one I'm wearing now.

Pero wala akong balak na magpanggap. "Wag kang mag-alala. Patay na talaga yung kakilala mong vocalist ng Seventh. Baka itinapon na yung bangkay nun sa basurahan, o pinakarne na sa palengke?"

Hinawakan ko ang kamay niya. Makikilala niya kung sino ako sa isang simpleng physical contact. It works among vampires who'd been together for years. In her case, si Kan ang pinaka-mid ng aming koneksyon sa isa't isa.

"H-Huh? Ikaw si Aster? P-Pero..." mas lalong lumala ang pagkabalisa niya. Parang gusto ko ang mga nangyayari.

Mayroon yata siyang deep ties sa vocalist ng Seventh. What about it?

Tingin ko hindi ko na kailangan ng plastic surgery. This face doesn't look so bad. Not bad at all...

"Kamusta na si Kan? Hinahanap ba niya ako o petix lang siya sa Atrus?"

"Ahh? n-nasa Atrus siya..." naaamuse na talaga ako sa babaeng to. Alam kong patay na patay siya kay Kan kaya bakit ganito na lang siya maapektohan? May grudge talaga eh?

"Matanong nga lang kita? Have you and Haru had sex?" ang gusto ko sanang itanong ay 'nirape ka ba ni Haru?'. Pinadesente ko lang para hindi naman nakakahiya sa alaala ng namayapang vocalist ng Seventh. May option naman tong si chix na wag sagutin ang tanong. Whatever the response may be, it would probably bear something on the mystery of her being with Kan...

Bakit sa dinami dami ng babae ay siya ang pinili ni Kan?

Bakit siya naging bampira?

Vampires don't convert humans with healthy condition because there's a huge failing rate. It is always done when the human is near-death.

At ang pinakamalaking tanong sa lahat, bakit niya pinatay ang vocalist ng Seventh pagkatapos niyang maging bampira?! SINO NA ANG MAHIGPIT NAMING MAKAKALABAN SA NEXT BATTLE OF THE BANDS NIYAN?!

PAK!

Nadale ako ng hampas ni tito sa balikat. "AGI! SIX! DIRI MAUPAY PAKINGGAN!"

Hala lagot ako dito kay tito! Nasa likod ko kasi siya eh! Nawala tuloy sa isip ko na kasama ko nga pala siya!

"Tito naman, wag ka nang magalit, malaki na ako kaya pwede na siguro ako sa mga mature words?"

"MAS MAGANDA PA GIHAP PAKINGGAN ANG WAKA-WAKA!" ay di pa pala siya tapos sa sinasabi niya. Sorry naman?

ANO DAW?! WAKA-WAKA?!

Haa.... Haaa... HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!

What word is that?! Hahahaha! WAHAHAHA?! Ayoko na~ bubuka na ang mga sugat ko amp!

"ANONG NAKAKATAWA?!" parehas akong tinitigan nang masama ni tito pati na ni chix.

"Wala. Wala naman. Tara na nga tito." wag ko na ngang pakialaman tong babae na to. Matatawa lang ako.

Itinulak na ni tito ang wheelchair ko. Biglang hinawakan ni chix ang arm rest niyon kaya napahinto kami. "Teka nga sandali, hindi pa ako tapos?"

"Just stay away from me and you'll be fine." I said firmly, warningly. Inialis ko yung kamay niya para makatakbo na ng maayos ang wheelchair.

Ngunit walang yata sa balak ni chix na palabasin ako ng ospital. Hinarapan niya akong muli. She doesn't want me to go yet she doesn't know how to deal with me. Kaya ba niya akong saksakin nang harap harapan sa gitna ng napakaraming tao?

Forlorn Madness 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon