Kan's POV
Binuksan ko ang pinto ng van habang umaandar pa kaya nagulat si manong driver pati na si Farfait nung nakamuwestra na akong tatalon.
"KAN?! NATATAE BA KAYO NI ASTER AT HINDI NA NINYO MAHINTAY NA HUMINTO ANG VAN?!"
"Go fuck yourself Fait." sabi ko sabay talon.
Nagteleport ako papunta sa tuktok ng isang building. Nagpalipat lipat ako ng lugar.
Bukod sa ForMad, may mga bampira din namang naglalagi sa syudad na to. Pero sa lahat ng mga nagkalat na aura, may nag-iisang hindi ko maaaring palagpasin.
Napadpad ako sa dumpsite kakasunod sa isang aura. Naabutan ko dun si Licorice at may kasama pa siyang dalawang bampira. Tingin ko ay tagilid siya sa dalawang yun.
"—Sabihin mo na kung sinu sino ang mga pinuno ng Black Church!"
Ikinawit ko ang mga kamay ko sa fence. Serious matter ang pinag-uusapan nila at di ko yun pwedeng baliwalain.
"Wala akong sasabihin sa inyo— AAAAAHHH!"
Pahigpit nang pahigpit ang bakal na nakapulupot sa nakatatanda kong kapatid.
Tinitigan kong mabuti ang bakal. Unti unti kong kinokontra ang pwersa niyon. Gustong gusto kong mamatay si Licorice ngunit hindi sa ngayon. Kailangan ko munang mapiga sa kanya ang impormasyon kung nasaan ang katawan ni Senri.
"Hio, may kumokontra sakin!" sumbong ng babaeng maliit sa kasama niyang lalakeng matangkad.
Nahuli na rin lang ang presence ko, itinodo ko na ang telekinesis.
Lumutang halos lahat ng mabibigat na uri ng basura.
Namanipula ko sila pasugod sa mga estranghero.
Humarap sakin yung lalake. Ngumiti siya, kasabay ng pagliliwanag ng isang magic circle sa ilalim nila.
Ahh? Ang galing niya! Ang kapangyarihang ginagamit niya ay hindi likas sa kanyang katawan. Iniimport niya yun mula sa ibang dimensyon nang sobrang bilis!
Nawala na lang sila kasabay ng paglalaho ng liwanag ng magic circle. Tangay nila pati si Licorice.
Base na rin sa mga nasaksihan ko, hindi na ako aasang bubuhayin pa nila ang aking kapatid. I guess kailangan kong magsimula ulit ng panibagong istratehiya sa paghahanap kay Senri.
Marami akong kapatid. Kahit si Aster ay kapatid ko rin. Maraming inaampon ang aking lolo na mga espesyal na bampira; pero palaging sinasabi ni lolo na si Senri ang
pinakaespesyal sa lahat.
Natatakot ako na baka mapunta si Senri sa maling panig, lalo na ngayong nagkakagulo na sa aming angkan. Yun ang dahilan kung bakit ako pursigido na hanapin siya.
BINABASA MO ANG
Forlorn Madness 2
VampirThis is Forlorn Madness: Book 2 A Masterpiece by direk_whamba
