Aster's POV
May humaltak ng naaagnas kong braso.
"Heps— itigil mo yan pre!"
PHEW. Kulang na lang sumalampak ako sa sahig sa tindi ng relief na naramdaman ko sa pagdating ni pareng Kan.
"Bumalik ka na sa katawan mo. Secured na ang lahat."
Dahil dun inilaglag ko na ang katawang pinopossess ko.
Bumaldog ang espada ng kalaban kong Evil Druid nung tangkain niyang saksakin ang orihinal kong katawan. Yung atake niyang yun ay nirepel ng malakas na force field na nagsilbing shield ng walang malay kong katawan—
Hinde, actually gumagalaw na nga eh. Sa loob ng katawan ko, mayroon pang sampung inner soul na posibleng magtake over sakaling inabandona ko yun nang matagal.
Pero timing lang ang pagbabalik ko. Kaagad akong lumayo sa kalaban syempre.
Yung force field barrier kanina ay kagagawan ni Kan Vral. Siya ang aking Patron sa digmaan ng mga Evil Druids.
Patron or Matron ang tawag sa mga highly ranked vampire na supporter ng isang Evil Druid. Pwedeng isa o pwedeng maramihan, depende kung gaano karami ang kaya mong makumbinsing umanib sayo.
Maaari ka nilang tulungan sa pagsesurvey ng kalaban o sa paghahanap ng shelter. Pwede ka rin nilang iligtas, ngunit hindi sila maaaring makialam sa mga laban ng Evil Druid.
Si Kan ay nakatatandang kapatid ni Rosary. Isa rin siyang Telekinetic vampire pero naexplore niya to the full extent ang kapangyarihan niya. Wag ka nang magulat kung sabihin kong nakakabasa din siya ng iniisip ng iba.
Nakikipagcommunicate siya sa pamamagitan ng telepathy at bihira mo lang makitang bumuka ang bibig niya. Ginagamit lang niya ang bibig niya sa pagkain at sa pagkanta. Dalawa kasi kaming vocalist sa banda namin pero siya ang lead.
"Deuteronomy ang tag mo hindi ba? Kung ako sayo, ipagpapaliban ko muna ang laban ngayong araw na ito at tatakas." ani Kan via telepathy. Ang kinakausap niya ay yung kalaban ko kaya't ewan ko kung bakit pati ako nakakasagap.
Umalma si Deuteronomy sa sinabi ni pareng Kan. "TATAKAS?! HINDI AKO AALIS HANGGA'T HINDI KO NATATALO SI ECCLESIASTES!"
Nagkibit balikat naman si pareng Kan. "Oh sige. Kung ayaw mong tumakas, kami na lang ang tatakas. Nasurvey ko lang naman dun sa ikalimang kanto si Revelation."
"ANO KAMO?! SI REVELATION?!" sabay pa kaming napabulalas ni Deuteronomy nang dilat ang mata.
Kapag nabanggit ang tag na Revelation, aba'y magtago ka na. Si Revelation ang pinakamalakas na Evil Druid at walang may gustong kalabanin siya. Wala pang survey ang nakapagsbi kung ano ba talaga ang kapangyarihan niya. Sa ngayon ay para siyang passive at umaatake lang siya pag nasense niyang may Evil Druid nearby. Pero trip na trip niyang paramihin ang kanyang zambie army kaya hindi mo pwedeng hindi maisip na may binabalak siyang pasabog.
BINABASA MO ANG
Forlorn Madness 2
VampiroThis is Forlorn Madness: Book 2 A Masterpiece by direk_whamba