60th Madness

1.9K 57 7
                                        

Cerylle's POV

"Sabi na nga ba at magbabalik ka rin dito. Wala kang napala hindi ba?"

Inignore ko ang litanya ni Kan pagkapasok ko ng penthouse at nagtuloy tuloy akong pumasok sa silid ni Aster. I violently kicked off my Pony shoes tas nahiga ako sa kama.

Ang akala ko kaya kong ilocate ang aking ina, or rather pupuntahan niya ako anytime na mag isa lang ako...

Nabawi ko na ang mga dapat kong bawiin so hindi naman siguro ikasasama ng kalooban niya kung magpatulong ako sa kanya about Aster?

Bumukas ang pinto ng room. Pumasok din si Kan. He stopped at the foot of the bed. "Mayroon akong magandang balita para sayo. I can pick up Aster's mind agai?"

"ANONG SABI MO?!" napabalikwas ako ng bangon sa kama. "SAAN?!"

I bit my lower lip. Baka niloloko lang niya ako since alam niya kung gaano ako kadesperate ngayon. Pero isipin na niya ang gusto niya, basta bibilhin ko ngayon ang mga sinasabi niya!

Iba ang basa ko sa nakatatanda kong kapatid ngayon... Napakaseryoso ng mga mata niya. "Magpunta tayo ngayon kung nasaan siya. Mayroon kasi akong isang bagay na nais kumpirmahin." aniya.

"Nasaan ang rod mo?" tanong ko.

He just shook his head. "Iiwas tayo sa anumang gulo hangga't maaari."

Lumapit siya sa may bintana. Nasira ang venetian blinds pagkahila niya niyon. Pagkabukas niya ng bintana, nailluminate ang kwarto ng kakaibang shade ng kalangitan.

Kanina pa pula ang langit. Bigla na lang yun nangyari nang hindi ko alam ang dahilan. I don't really care as long as hindi naman siya harmful.

"Ano pang tinatanga tanga mo diyan Cerylle?! Tara na!"

Hindi ko naman talaga nagamit yung bintana. Paghawak ko sa braso ni Kan, we joint teleported. Nagrely na lang ako sa kanya para sa aming direksyon.

Huminto kami nung nasa tapat na kami ng tarangkahan ng isang pamilyar na estate. Kakagaling lang namin dito dahil sa ginanap na piging. Ito ang Rose mansion na siyang tahanan ng mga magulang ni Aster.

"Mayroon ba tayong permiso?" tanong ko kay Kan nung humawak siya sa mga bakal ng gate. I'm sure na protektado ang lugar na ito ng daan daang barriers at charms. Once na tumuloy kami sa loob nang walang permiso o walang nag iimbita, we'll drop dead.

Tlaaaaak?!

Itinuloy niya ang pagbubukas sa pinto ng gate. "Wag kang mag alala, kanina ko pa kinakausap si Aster. Parating na siya mayamaya lang."

Honestly, wala akong tiwala sa sinabi niyang 'wag kang mag alala'. Lalo akong nag aalala eh! At tama ba ako ng dinig?! Si Aster ay parating na daw dito?

Forlorn Madness 2Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon