25th Madness

2.3K 68 1
                                    

Lustra's POV

Area 3. Bukod sa Area 1, ang lugar na ito ay tinamaan din ng undead plague. Sira na ang buong syudad na ngayon ay nilalakaran na ng mga undead. Mas maraming undead dito kumpara sa Area 1. Habang naglalakad ako, hindi ko maiwasang mailing sa kapalarang sinapit ng mga lugar na dapat sana ay santwaryo ng mga gaya kong bampira. Sa nakalipas na dalawang taon, naging dominating ang mga bampirang necromancer kahit isa sila sa mga mahihinang klase. Para sa kanila, isang lang malaking playground ang parehong Area 1 at 3. Ang lahat ng nangyayari o mangyayari sa dalawang lugar na binanggit ko ay nasa kanilang pagdedesisyon.

Ang mga mahihinang bampira ay kabilang na sa dumaraming populasyon ng mga undead, na siyang nagtaboy sa mga malalakas na bampira na mamuhay sa mundo ng mga tao. Malamang hindi na malabo ngayong madiskubre ng mga tao ang tungkol sa existence namin.

Isa rin akong necromancer pero wala akong balak na paglaruan ang buhay at kamatayan— ah mali... irerephrase ko ang sinabi ko— Minsan ay tinangka kong paglaruan ang buhay at kamatayan ng isang nilalang; at pinagsisisihan ko na yun ngayon.

Namimiss ko yung dati. Kahit napakalamya ng monarkiya, hindi nagkakagulo ang mga bampira. Ang lahat ay may kinatatakutan; ang lahat ay may iisang ginagalang. Naging mahina lang nga talaga ang pinakahuling hari, sa aking palagay.

Sinisisi ko ang bumagsak na pamunuan sa mga kalupitan at kasamaang dinanas ko, sampu ng mga kagaya ko, sa kamay ng organisasyong king tawagin ay Black Church.

Squawk! Squawk!

Nagsiliparan ang mga nagpapahingang uwak nang sandaling madaanan ko ang tambak na mga scrap metal kung saan pansamantala silang nagpapahinga. Mayroon din silang purpose kung bakit sila nandirito. Kumukuha sila ng mga datos tungkol sa Area 3.

Rrrrrrraaaaaaaaaaawrrrrghhhhhh!

Tss... dahil sa ingay nila, naakit sa direksyong ito ang mga undead. Isa isa na silang nagsisipaglapitan at nakakairita.

Tinuklap ko ang balat ng aking hintuturo, kasama na ang laman. Sa amoy ng dugo ko mas lalong lumakas ang aggression ng mga undead.

—Tsssswiiiik!

Nagsilabasan mula sa sugat ko ang aking ugat. May kakayahan akong pagdugtong dugtungin sa loob ng katawan ko ang lahat ng aking mga arteries at veins at iextend siya palabas. Alam mo bang kapag pinagdugtong dugtong mo ang lahat ng iyong arteries, veins, at capillaries ay sobrang haba nun na makakayang pumalibot sa pinakamalaking diameter ng mundo ng dalawa at kalahating beses? Alam din yun ng mga tao.

Indikasyon lang yan na walang sino sa mundong ito ang hindi ko maaabot basta ginusto ko.

Ang sinumang makapitan ng aking mga ugat ay automatic na napapasailalim ng aking kontrol. Ang aking puso ay nagbibigay ng napakalakas na ritmo at blood flow na sapat para idominate ko ang isang katawan.

Ang dugo ay isang elixir para saming mga bampira, at bibihira lang ang nagagamit iyon bilang sandata— gaya ko. Nagcicirculate ang dugo sa buong katawan. Ito ang main transport ng oxygen, nutrients, at iba pang antibodies. Walang parte ng katawan ang hindi nito madadaanan kaya masasabi kong mas efficient ang ginagawa kong manipulation kesa ng kay Kan na focused lang sa physicality.

Forlorn Madness 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon