41st Madness

2.1K 69 9
                                        

Aster's POV

Snap!

Pagkasarado ko ng hawak kong journal, dagling nagliyab iyon?!

"AWE AWE WHAT THE FUCK?!" muntanga akong nagwagwag ng mga kamay para di abutin ng apoy ang mga palad ko, at saktong pagpihit ko ay mayroon na palang nakatayo paharap sakin!

Pinagmasdan ko siya ng ilang segundo tas napakunot noo ako... Ang suot niya ay isang robang itim at pintado ng kung anu anong marka ang kanyang balat. Liban pa dun ay pamilyar talaga siya sakin?

"P-Papa?" di ako maaaring magkamali!

"Hindi kita anak at lalong hindi ako ang iyong ama." aniya.

HAAAA?! Buong time na nasa poder ako ni papa ay di niya yan sinabi sakin... Kahit totoo naman. Alam kong wala akong karapatang maoffend, pero kasi parang ang sakit sa tenga pakinggan.

"Pero papa..." nagbabakasakali pa rin ako na jinojoke lang niya ako.

Bigla na lang niyang hinaklit ang braso ko. Kasabay nun, ngumiti siya. "Binibiro lang kita anak. Masyado kang seryoso eh."

Woooh sabi na eh. Nakahinga na rin ako nang maluwang!

"Papa, gusto ko na pong umalis dito! Kaya ka ba nandito ay para tulungan akong makaalis sa lugar na ito?"

"Umalis dito? Ikaw naman yata ang nagbibiro ngayon anak. Hindi mo ba nalalaman ang hirap na sinuong ko para lamang maibalik kita dito?"

Nagugulumihanan yata ako. "A-Ano po ba ang ibig ninyong sabihin?"

"Inalagaan kong mabuti ang mahal na prinsipe habang tinutuklas ko ang tamang paraan upang mabuhay kang muli! Iyan ang katotohanan, Zenith..."

NAKNAMPUCHA NAMAN OH. ANG DAMI KONG PANGALAN! Mamatay na maraming pangalan!

Tinapik tapik ni papa ang kamay kong hawak pa rin niya. "Balang araw ay ikaw ang magmamana ng aking kapangyarihan, ng kapangyarihan ng Alkemiyang nagpasalin salin mula pa sa ating kanunu-nunuan! Nasa magandang katawan at posisyon ka ngayon kaya marapat nating samantalahin iyon!"

Iba na to eh... Nakakatakot si papa! Hindi siya yung gaya ng dati na mabait at palabiro. Agad akong lumayo sa kanya. Naisip kong baka isa siyang di mapagkakatiwalaang nilalang na ginagamit ang anyo ni papa para linlangin ako!

Arrrgh... Ang ulo kooo! Biglang sobrang sakit niya! Bumagsak ako sa sahig habang sapo ko ang aking sentido.

"Mawawala ang sakit kapag sumunod ka sa lahat ng iuutos ko sayo anak. Ihanda mo na ang iyong sarili. Dalawang araw mula ngayon ay hihina na ang unos. Ituturo ko sayo ang paggawa ng isang epidemya. Kinakailangan mo na ng vitae upang pagalingin ang katawang iyan. Sa ngayon ay ipagdiwang mo muna ang iyong kaarawan..."

Forlorn Madness 2Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon