68th Madness

1.7K 54 2
                                    

Hio's POV

Nakamasid ako sa napakalaking kristal na nasa solar ni Shall. Nakacontain sa loob niyon ang marbled na katawan ng bunso kong anak. Respawned o halaw lamang ang kristal at hindi iyon mula sa kapangyarihan ni Minerva.

Nanggaling dito ang Respawner nang may plano at sinamantala niya ang pagkawala ko.

Ngunit higit pa run ang mga iniisip ko. Kung tutuusin ay maaaring ikamatay ng anak ko ang absence ng kristal. Napakalaking pabor para sakin ang ginawa kay Anne. Hindi ko nga lang maiwasang mangamba.

Pinanatili nila si Anne dahil may pakinabang sila sa kanya?

Natigilan ako saglit. Parang kinurot ang puso ko.

Nalulungkot ako at parang alam ko na kung ano ang dahilan. Lumapit sakin si Ivy. Siya ang nagpunas sa luha na kusang tumulo sa mata ko.

"Kamahalan?"

Pinangunahan ko na si Ivy. "Wag mo nang ituloy pa kung ano ang mga sasabihin mo. Gusto kong mapag isa kung pwede lang."

"Sige. Lalabas muna ako." naisagot na lang niya.

Sinapo ko ang aking dibdib. Hindi dapat ako nalulungkot dahil hindi naman sila yung mga totoo kong kaibigan. Nandito lamang sila para punan ang void sa puso ko buhat nung piliin kong lumayo ng tuluyan sa mga tunay na kaibigan ko.

Tinotoyo lang ako in other words.

Magkagayunman, hindi ko ikakailang may nasirang dimensyon. Kapag pinatagal ko pa ang isyu ko sa siraulo kong kaaway, maraming bagay pa ang masisira. Hindi na ako maghihintay pa ng pagputi ng uwak. Nasa akin na ang lahat ng advantage na kailangan ko.

Mas maigi rin kung matitigil na ang undead plague. Wala lang saming mga bampira ang presence ng mga undead ngunit ibang usapan na kapag mga tao na ang naapektuhan.

Once na sinimulan ko nang kumilos, malabo na akong huminto. Ako ang magdidikta sa kahihinatnan ng mundong ito pagkalipas ng isa o dalawang gabi. Ako ang siyang magtatakda ng pagbabago matapos ang sigalot.

Kung sa tingin ng Respawner ay makakalikha siya ng panibagong mundo, try niya ulit mag isip isip. Ako lang naman ang destruksyon. Lalaban pa siya?

Noon, takot akong pumatay. Nagbago na yun ngayon. Wala nang mamamatay na mahalaga sakin... dahil uunahan ko na ang lahat ng may balak na masama sakin at sa mga mahal ko sa buhay!

Masamang abusuhin ang kapangyarihang inilaan para sana gamitin ayon sa purpose nito. Pero ano pa nga ba ang ikinakatakot ko na mas masama? Di nga ba at nasa aking mga kamay ang pagkawasak ng mundong ito balang araw?

Hintayin mo ako Shall ko. Babawiin kita. Hindi mo naman talaga ako gustong iwan hindi ba? Iniwan na nila ako... wag naman sanang pati ikaw...

Forlorn Madness 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon