Mahigpit na niyakap ni Samantha ang hooded jacket na suot-suot niya. Kay Arem iyon kaya naman masyadong mahaba at maluwang sa kanya. No choice. Bukod sa mga suot nila sa katawan, wala naman na silang iba pang gamit.
Isang oras na siyang naglalakad.
Nagmamasid.
Pinag-aaralan niya kung may magandang maidudulot ba sa kanya na hindi na siya bago sa lugar na ito.
Unti-unti nang dumidilim ang kapaligiran kaya naman nagpasya na si Samantha na bumalik. Bukas nang umaga, aagahan niya ang paglabas. May ilang establishment na siyang nakita kung saan may mga nakapaskil na 'wanted'. Gusto niyang i-try sa Mania Bar kung saan naghahanap ang mga ito ng drummer. Mas bihasa siya sa gitara pero she can also play the drums without a problem.
Matapos planuhin sa kanyang isipan ang kanyang mga susunod na gagawin, huminto sa paglalakad si Samantha. Kinaya niya sa bulsa ng suot niyang jacket ang tatlong piraso ng gamot na tanging nabili niya.
She touch her short hair. Lagpas tenga niya na lang iyon. Ibinenta na niya sa nakitang salon kanina ang pinakaiingatan niyang buhok. Kung hindi niya gagawin 'yun, wala siyang mapagkukunan nang pambili ng gamot. Ang natira sa perang pinagbentahan ng kanyang buhok ay itinabi ni Samantha para bumili ng kalahating kilo ng bigas at ilang itlog mamaya sa tindahan malapit sa kwartong inuupahan nila.
Huminga ng malalim si Samantha.
Napatitig siya sa kanyang harapan kung saan tatlong maliliit na eskinita ang kanyang kaharap.
Tahimik na eskinita ang pinipiling daanan ni Samantha. Dahil nagmamasid-masid pa siya sa palagid ayaw niyang may makilala o maalalang hindi maganda mula sa kanyang nakaraan. Mas importante na makapag-embestiga muna siya. Malaman niya kung ano ang pinagkaiba ng lugar na ito ngayon kumpara noong panahon na para siyang dagang pilit na nagkukumawala sa lugar na iyon.
Tumayo ng tuwid si Samantha. Buo ang luob na ihinakbang niya ang kanyang mga paa sa eskenitang mas maliwag kumpara sa dalawang nasa bandang dulo. Hindi na siya ang Samantha nang nakaraan na kailangan magtago para hindi maibenta sa bahay aliwan ng mga taong halang ang kaluluwa. Hindi na siya si Samantha na walang pagkakakilanlan at walang tiwala sa sarili.
After crawling back from death itself, she’s returned with a vengeance. There’s no escape—she will make sure that those vile monsters will pay in full. This time, the tables have turned. They'll be the ones hiding, and she'll track each of them down.
Nang unti-unti nang kumalma ang nagsisimula na namang pagsikip ng dibdib ni Samantha, muli siyang humugot nang malalim na paghinga.
This place is suffocating! Maktol ni Samantha sa sarili.
Wala sa loob na napatitig siya sa malaking electronic billboard na naka-display sa kanyang harapan.
Napatda si Samantha.
Unti-unting nanlaki ang kanyang mga mata.
Is this for real?!
Hindi siya makapaniwala! It's like a dream come true!
Habang tinititigan ni Samantha ang naturang larawan, hindi niya mapigilan ang pag-iinit ng kanyang mga mata.
I'm not dreaming, right?!
Ilang beses siyang kumurap-kurap pero iyon at iyon pa rin ang larawang nakikita niya.
Hindi na interview nang damuhong iyon ang naka-display sa harapan niya na halos ikamatay ng puso niya. Hindi na nakangiting mukha ng lalaking iyon ang nasa billboard kung hindi ay larawan na ng isang international actress na hindi pamilyar sa kanya. Pero...
BINABASA MO ANG
The Divorce
RomanceIn her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her directly, he was the reason for her early demise. Upon waking up, Samantha promised to live her second life without regret. But first, she mus...
