Chapter 91: Samantha's Advice

307 18 2
                                        

Maingat na naglakad pabalik si Samantha kung saan niya iniwanan si Dra. Lopez at ang asawa nito. Sinigurado niyang hindi magku-krus ang landas nila ng grupong nakabantay kay Leonel Montenegro.

Nang makabalik si Samantha sa kinaroroonan ng dalawa, nanatili na wala pa ring malay ang lalaki habang nakalarawan naman sa magandang mukha ng doktora ang pag-aalala.

"Let's go," ani Samantha saka ngumiti sa babaeng bigla na lang lumiwanag ang mukha noong makita na sa wakas ang pagbabalik ni Samantha.

"How's your trip?" Worried na tanong ng magandang doktor.

"That person will survive," ani Samantha sa tonong tila ba wala siyang paki kung paano makaka-survive si Leonel Montenegro. Basta ang alam niya ay makaka-survive ito.

Muling inalalayan ni Samantha ang magandang doktor sa asawa nito.

Makalipas ang 40 minutes ay nakarating na sila sa lumang paupahan. Kung tutuusin ay makakarating na sila doon within 15 minutes, kaso ay hirap silang dalawa sa paglalakad lalo na at may inaalalayan silang malaking nilalang.

He was so tall and well built. With a good body like that, nakakapagtaka pa ba kung hirap na hirap silang dalawa na alalayan ito sa paglalakad.

Kamuntik na ngang i-request ni Samantha na mag-tigisa na lang sila ng paa. Di hamak naman na mas mapapabilis ang paglalakad nila kung kinaladkad na lang sana nilang dalawa ito. Hindi pa sila pagod na pagod na para bang mga construction worker na naghahakot ng sako-sakong semento.

"Maupo muna kayo rito, hahanapin ko lang ang landlady," ani Samantha na palihim na nakahinga ng maluwag.

Pakiramdam niya ay maglalaglagan ang mga buto niya ha. Tsk. Kung hindi lang niya gustong-gusto ang maganda at mabait na doktora, naku. Pasalamat talaga ang kumag na 'to!

Napaka-swerte naman nito kay Dra. Lopez!

Kahit na palihim na nagrereklamo ay maingat pa rin na tinulungan ni Samantha ang mag-asawa na makaupo sa kahoy na upuan sa labas ng bakuran ng lumang apartment. Pagkatapos ay nagmamadali siyang nagtungo sa main door kung saan naabutan niyang nagluluto ng hapunan ang matabang ginang. Ito ang kausap noong jeepney driver na nagdala sa kanila ni Arem sa lugar na iyon.

"Oh, ikaw pala Samantha. May kailangan ka ba?" Nagtatakang tanong ng ginang. Bahagya itong ngumiti. Nagpakilala si Samantha dito noong unang beses na magkausap sila, kaya hindi na nakapagtatakang alam nito ang pangalan niya.

"Tita Flor, may mag-asawa po sa labas na naghahanap ng kwartong marerentahan. Hindi ba may bakanteng kwarto sa tapat namin? Naalala ko lang kaya noong makita ko sila sa labas habang naghahanap ako ng trabaho ay dito ko na sila dinala. Sayang naman kung hindi ko sila mairereto sa inyo. Mukhang mayayaman pa naman na naghahanap lang ng thrill sa buhay," mahabang paglilitanya ni Samantha.

Dahil sa narinig ay kaagad na kumislap ang mga mata ng magandang babae.

"Totoo ba?" Excited na tanong nito.

"Totoo po," ani Samantha habang tumatango.

Sa totoo lang, lumang-luma na ang bahay paupahan ni Tita Flor. Halos tanggal na ang mga pintura ng dingding at magaspang pa ang semento ng sahig.

Pero pasado kay Samantha ang bahay na iyon dahil malayo iyon sa ibang bahay. Nasa sulok iyon ng Forbidden Area. Kahit maglabas-masok pa siya ay hindi siya pag-uusapan ng mga tao dahil ang nasa likuran ng bahay nila Tita Flor ay tambakan ng mga sirang sasakyan.

At dahil ayaw umupa ng mga tao doon dahil sa hindi magandang itsura ng bahay, silang dalawa lang ni Arem ang nangungupahan. May tatlong pintuan na pinauupahan si Tita Flor. Nasa kanila na ang isa. Kung makukuha ni Dra. Lopez ang isa pang pinto, isang pintuan na lang at puno na ang mga paupahan.

Nang makita ni Tita Flor ang mag-asawa sa labas ng bahay niya ay nagmamadaling lunapit ito kay Dra. Lopez. Nang masiguro nito na uupa nga doon ang mag-asawa, kaagad na tinawag ni tita Flor ang kanyang mga anak.

Pinalinis niya ang kwarto sa tapat nila Samantha. Habang naghihintay na malinis ang kwartong rerentahan nila, masayang nagkwentuhan sila Tita Flor, Samantha at Dra. Lopez.

After 15 minutes lang ay nakapaglinis na kaagad ang magkapatid. Habang nagwawalis ang binatilyo ang dalagitang anak naman ni tita Flor ang nagpalit ng mga kurtina, punda at bed sheet.

"Babawasan ko ng 500 ang upa mo sa susunod na buwan. Salamat dahil nagdala ka ng magrerent sa apartment ko," masayang turan ni Tita Flor bago ito tuluyang bumalik sa main house.

Muli namang inalalayan ni Samantha ang mag-asawa papasok sa loob ng apartment. Nang makapasok na sila sa loob ng kwarto ng mga ito. Tahimik na pinasadahan iyon ng tingin ni Samantha.

Katulad na katulad ng silid nila ni Arem ang istilo ng naturang silid.

"This place is small but if you're both hiding from someone, this place is good. Malayo sa karamihan ang apartment na ito at madalas na hindi pinapansin ng mga tao dahil hindi maganda ang itsura,"

Sandaling natahimik si Dra. Lopez nang marinig ang sinabi ni Samantha.

"Sam, thank you," the doctor said with a sincere tone.

"Payo ko lang Dra. Lop—,"

"Please just call me Ada," putol ng doktora sa mga sasabihin pa sana ni Samantha.

"Ada,"

"Yes!" Nakangiting sagot ng doktor.

Naiiling na napangiti din si Samantha.

"Ada, don't tell anyone about your profession. Don't let them know that you're a doctor, or a surgeon. Keep your ID safe. And if anyone asks you about your job, just tell them na housewife ka lang,"

Isa sa mga dahilan kung bakit pinag-interesan ito ng mga taong halang ang kaluluwa ay dahil na rin sa nalaman ng mga ito na isang mahusay at magaling na surgeon ang doktora.

In this lifetime, sisiguruhin ni Samantha na maibabalik niya rito ang lahat ng tulong na buong puso nitong ibinigay sa kanya noon. Mga tulong na hindi nito hiningan ng kapalit. O hindi nito inasahan man lang na masusuklian niya.

"Okay. I will listen to you," the doctor said obediently.

"Bibili lang ako ng bigas. Huwag na kayong lumalabas, magluluto ako ng pagkain na kakasya sa ating apat," ani Samantha saka nagtungo sa pintuan.

"Thank you Sam. You're a big help,"

Napailing na lang si Samantha. Hindi na niya mabilang kung ilang 'thank you' at 'salamat' na ang sinabi ng magandang doktor sa kanila.

Well, she told her to call her Ada. So from now on, she will refer to her as Ada.

Nang makalabas ng pintuan nina Ada ay kaagad na bumungad kay Samantha ang nakabukas na pintuan ng kwarto nila. Mula doon ay nakatayo ang namumutlang si Arem at mataman itong nakatitig sa kanya.

Hindi maipinta ang maputlang mukha ni Arem.

Arem pursed his thin lips into a tight line, his dark eyes fixing on Samantha with a sharp, accusing glare. His shoulders slumped slightly, and the hurt in his gaze made him look exactly like a small puppy who’d been left behind by the only person he trusted.

Samantha’s heart skipped a beat, a jolt of guilt shooting through her chest. Oh no—she was in deep trouble. How could she have been so thoughtless? She rushed to call Tita Flor because of Ada without stopping by their room and talk to him first. Now Arem was staring at her like she had cheated on him… like she betrayed him entirely.

"D-darling," Samantha stutter.

Help!

She doesn't even know how to pacify a dog! What more, a big person like Arem?!

"A-arem," nag-guilty na tawag niya rito. Pero sa halip sa sumagot at pansinin siya. Tumalikod lang ito at tuluyan ng pumasok sa loob ng kanilang silid.

Samantha swallowed hard.

Paktay kang bata ka!

The DivorceMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon