Marahang kinalas ni Samantha ang dalawang braso na kanina pa nakayakap sa kanya. As much as she wanted to be in that hug, malapit ng mag-alas diyes. Kailangan na niyang magluto ng hapunan. Dahil kung hindi, midnight snacks na ang kahahantungan ng lulutuin niyang lugaw.
"Let's continue this topic later, okay?" Samantha said in a soft voice. Her rigid posture relaxed a lot.
Though Arem’s words sent a jolt of stress through her, a strange mix of emotions rose up when he said he’d be willing to bury the 'body' she’d 'killed'. How nice of him, right?! Part of her felt unsettled by how seriously he was taking the imagined scenario, yet she also felt a surprising sense of comfort in knowing he’d stand by her even in such a dark, cold-blooded situation.
"Don't worry, I didn't kill anyone. Wala pa sa ngayon," ani Samantha sabay ngisi kay Arem na hindi mapigilang mapakunot-noo.
Hindi na hinintay pa ni Samantha na magsalita ito. Baka kung ano na naman ang sabihin nito ay mabato na niya ito nang kung anumang madampot niya.
So much for being so emotional just a while ago!
Dali-daling lumabas ng silid si Samantha. Dire-diretso siyang lumabas sa gate na puro kalawang na. Nagtungo siya sa pinakamalapit na tindahan saka bumili ng dalawang kilong bigas at sampung piraso ng itlog. Sa ngayon, iyon na lang muna ang kakainin nila.
Pagkabalik sa lumang apartment, kaagad na inasikaso ni Samantha ang kanilang kakainin. Magaan ang bawat hakbang niya habang gumagawa sa maliit na kusina. Kasama na sa naunang binayaran nila sa landlady ang single burner na lutuan at ang gas na kasama noon.
Naglaga siya ng apat na itlog at binasagan niya ng dalawang itlog ang lugaw na niluluto. Iginisa niya lang iyon sa bawang, sibuyas at luya. Hindi nila afford ang lugaw na mamahalin ang sahog. Ang importante lang naman sa pagkakataong iyon ay ang mainitan ang kanilang mga sikmura.
Matapos magluto ay hinati ni Samantha sa apat na malalalim na bowl ang niluto niya. Siniguro niya na pantay pantay lang ang dami ng lahat. Pagkatapos ay kumatok siya sa pintuan ni Dra. Ada at asawa nito.
Nang makita ng doktor ang umuusok na lugaw ay hindi nito mapigilan ang matigilan. Sandali itong natulala nang mapatitig sa umuusok na pagkain. Hindi iyon basta sabaw lang. Maraming butil ng bigas na nakalagay doon at sa gitna ay may tig-isa pang extra large egg na nakalagay.
"Sorry, ito lang ang maluluto ko sa ngayon Dr. Ada, bukas pupunta ako sa palengke para bumili ng manok na matitinola. Kailangan din ng asawa ko ng sabaw para mas lumakas na ang katawan niya," nahihiyang wika ni Samantha.
Para siyang teenager na nakikipag-usap sa crush niya sa totoo lang. Nahihiya siya na natutuwa dahil sa wakas, kahit papaano ay makakabawi na rin siya sa nagawa ng ganyang saviour noon. Nagtapos man ang kanilang koneksyon noon dahil sa hindi makatarungang pagkamatay ng doktor, masaya si Samantha na nagkita ulit silang dalawa at ngayon, kahit papaano, masasabi niyang siya naman ang may kakayanan na tulungan ito.
"T-thank you,"
Dr. Lopez looked down for a moment before speaking, her voice carrying a solemn weight. To be honest, ever since Samantha had first stepped in during that holdaping incident, she’d always thought of her as a truly kind person—warm, grounded, and clearly someone who cared about others. But she never could have imagined just how far Samantha would go to help them through everything.
That's why she treated her kindly. But she did not trust Samantha that much.
Paano niya ito pagkakatiwalaan ng ganoon na lang kung ang sariling pamilya nga ng kanyang asawa ay hindi niya mapagkatiwalaan? Ito pa ba na hindi naman nila kaano-ano?
BINABASA MO ANG
The Divorce
RomanceIn her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her directly, he was the reason for her early demise. Upon waking up, Samantha promised to live her second life without regret. But first, she mus...
