Palihim na sinulyapan ni Samantha si Arem na abala sa pagsisibak ng kahoy. Pero mabilis siyang nagbababa ng paningin sa tuwing maaalala kung ano ang pinaggagagawa nila kagabi.
Ugh. Self, hindi ka man lang nagpaka-plastic! Talaga namang hindi lang iisang beses ka humingi ng halik!
Samantha covered her face. Na para bang sa paraan na 'yun ay walang makakita sa kahiya-hiyang mukha niya ng mga sandaling iyon.
Muli niyang sinulyapan si Arem na basang-basa na ang t-shirt na suot dahil sa pawis.
Muli na namang natulala si Samantha nang makita kung gaano kaganda ang tanawing nasa harapan.
His toned muscles, the six packs abs makes her drool just by looking at them.
Mahigit isang oras na din kase itong nagsisibak ng kahoy. Dahil ayaw tumanggap ng pera nang mga taga-Baryo, pinilit ni Arem ang mga ito na bigyan siya ng trabaho kapalit ng isang araw pa nilang pamamalagi doon.
Nag-aalala ito na baka mapaano ang asawang si Samantha kapag bumiyahe sila kaagad-agad.
Tinitigan ni Samantha ang kanyang mga paa habang iniuugoy-ugoy iyon. Dahil ayaw siyang pakilusin ni Arem, para siyang baldadong pasyente na nakaupo lang sa isang tabi mula pa kaninang umaga. Hindi niya mapigilang mapangiwi.
Although it might provoke eye rolls from others, Samantha feels a delightful warmth blooming in her heart. No one has ever showered her with this kind of attention before. For as long as she can remember, she has been the one in charge, boldly taking risks and selflessly bending over backward for those around her, especially in her case since she grew up with her foster parents.
But this time, something feels different, igniting a sense of joy and vulnerability she never expected.
Napakagat labi na lang si Samantha.
Then...
Samantha recalled the kiss from the night before, warmth surged through her cheeks, igniting a blush that spread like wildfire across her face. The memory, electric and tender, lingered in her mind, every detail vivid—the way his lips brushed against hers, soft yet insistent, sending shivers down her spine and making her heart race.
"Ate?"
Gulat na napalingon si Samantha sa tinig na bigla na lang bumulabog sa imahinasyon niya. Ni hindi man lang niya napansin ang batang bigla na lang bumungad sa may tagiliran niya.
"Hala! Bakit ang pula-pula nang mukha mo, Ate Sam? Nilalagnat ka na naman?!" Nag-aalalang tanong ng batang babae na siyang nagdala ng gamot ni Samantha kaninang umaga.
"Huh...?" Pinagsasasabi ng batang 'to?
"W-what did you say?"
Bago pa makahuma si Samantha ay nasa harapan na niya si Arem. Seryosong hinipo nito ang leeg at noo niya para tingnan kung nilalagnat na naman ba siya.
"M-mainit lang ang panahon. I-i'm not sick anymore!" Halos pabulong na anas ni Samantha sa tinig na nauutal pa. She's feeling nervous, alright?
Sinong baliw naman ang aamin na kaya siya nagba-blush ay dahil naaalala niya ang ka-flirty-han na ginawa niya kagabi, diba? Mas mabuting isisi niya na lang iyon sa init ng panahon kesa aminin niya kung ano talaga ang tumatakbo sa utak niya.
"Are you sure you're feeling okay?" Arem asked nervously.
Hindi mapigilan ni Samantha ang sarili na mapatitig sa gwapong mukha ng lalaking kaharap.
Dang!
This expression of his will undeniably lead her to her downfall eventually.
Pasimpleng nagbaba ng paningin si Samantha. Hindi niya kayang makipagtitigan kay Arem. Pakiramdam kase niya, kaunting titig pa nito ay mahuhulaan na nito kung gaano kadumi ang utak niya. Nakakahiya!
Bahagyang umusod si Samantha palayo kay Arem.
Sa totoo lang, sa ilang buwan din nilang pagsasama, pakiramdam ni Samantha ay ngayon niya lang nakita kung paano talaga mag-alala ang lalaking kaharap niya.
And take note, nag-aalala ito hindi para kung kanino lang. Kung hindi... nag-aalala ito para sa kanya. And it's giving her an unfamiliar feeling yet warm.
Samantha secretly took a deep breath.
Dapat na ba siyang kiligin? May karapatan ba siya? Pero wala pa namang linaw ang lahat sa kanila kahit na nag-kiss pa sila at nagpalitan ng laway!
Ayaw niyang mapahiya at mas lalong ayaw niyang mag-demand kay Arem.
Nasa anong klaseng relasyon na nga ba sila?
Oo aminado naman si Samantha na nahulog na talaga siya dito. Pero hanggang doon lang 'yun. Hindi naman porke na-fall siya ay dapat ganoon din si Arem. Sometimes, feelings dont work that way. She might feel a genuine connection to him, but what about him?
Samantha understands that Arem has his own preference.
She knows that it's tough when emotions aren't reciprocated, and it's perfectly natural to want someone to feel the same way. However, each person experiences their own emotions differently, and it's important to respect his feelings.
Ang ikinababahala lang ni Samantha, hindi naman siya sigurado sa kung anong nararamdaman ni Arem.
Wala itong inaamin patungkol sa nararamdaman nito.
Oo nararamdaman niya ang labis na pag-aalala nito. She can feel his genuine care pero pwede na ba iyong gawing basehan? Walang kahit na anong experience si Samantha pagdating sa relasyon. Hindi rin siya mahilig manuod o magbasa ng mga romance genre. Mas naka-focus siya sa art, sa pagluluto at pagbi-bake.
Sa tuwing nag-uusap sila ni Kian noon, para itong human diary na sinasabihan niya ng mga magagandang bagay na nangyayari sa kanya sa buong maghapon. And she appreciates that he loves to comforts her, love to complement her, he always say sweet nothings. Three time a day kung mag- I Love You. Minsan may pasobra pa. Siya namang si gaga, naniwalang gustong-gusto nga siya nito. Dahil matiyaga itong nakikipag-usap sa tuwing nagkakausap sila sa telepono, inisip na niya na love na 'yun.
And in the end what happend to her?
Their relationship ended with her death.
How tragic is that?
Kaya ngayon, hindi niya alam kung ano na ba ang estado nilang dalawa ni Arem.
"I-i'm o-okay," damn this stuttering tongue!
"Why don't you go inside the hut? I'll just chop the rest of the wood then accompany you?" Nag-aalalang tanong pa nito.
At para makaalis na ng tuluyan sa harapan nito ay kaagad namang pumayag si Samantha. Who can blame her, she have to care about her pounding heart!
Nang makabalik sa kubo si Samantha ay naupo siya sa kahoy na upuan na nasa harapan ng bahay.
Muli niyang binalikan ng tingin si Arem na ngayon ay nag-iisa na lang sa tambakan ng mga kahoy. He looked so damned hot in his fitted white shirt while sweating a lot!
Tsk.
I'm the worst!
Muling nag-iwas ng paningin si Samantha. Honestly, mas malaki pa sa problema nila ni Arem ang personal niyang problema.
Pagbalik niya sa Siudad, siguradong may isang Samuella na naghihintay sa kanya. At posibleng matagpuan na niya ang sarili niyang pamilya.
Hindi mapigilan ni Samantha ang makaramdam ng excitement at kaba.
In her past life, kung hindi lang dahil sa katangahan niya, posible kayang magkita silang dalawang magkapatid? Siguro kung mas nauna lang ang pagkikita nilang magkapatid, baka hindi na siya nagtangkang puntahan ang walanghiya niyang ex!
Siguro mas maayos ang buhay niya.
Samantha hug her knees. Though she's not sure about her and Arem's relationship status, at least, there's something to look forward to. And that's meeting Samuella again. Sa pagkakataong ito, bilang magkapatid na hindi bilang employee and employer.
BINABASA MO ANG
The Divorce
RomanceIn her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her directly, he was the reason for her early demise. Upon waking up, Samantha promised to live her second life without regret. But first, she mus...
