Chapter 84: Maria Manor

461 18 4
                                        

"Ang yabang-yabang pa niya habang ibinibida kung saan gaganapin ang 17th birthday niya. Hmp! Ano namang pakialam ko kung sa Maria Manor siya magsi-celebrate?!" Naiinis na pagkukwento ni Arya.

"Pasalamat daw kami at mai-invite kami doon. Auntie, Ate Sam, totoo bang mamahalin ang lugar na 'yun?" Curious na tanong naman ni Alfonse.

Kumunot ang noo ni Samuella matapos marinig ang pagsusumbong ni Arya at Ally. She knows the place and it's a private property, pero nakuha ng pinsang 'hilaw' ng mga ito ang private villa ni Mr. Kevin Consunji?

"Maria Manor? I thought it was private property?" Tanong ni Adrienne.

"It is," ani Samuella gamit ang paos na tinig. She's not an actress for nothing. As long as it's a short sentence, walang problema sa pagsasalita.

Ayaw lang niyang magkwento ng marami, mangatwiran at makipag-usap ng masinsinan dahil wala talaga siyang kaalam-alam sa mga taong nasa paligid niya. Baka ipahamak lang niya ang kanyang sarili.

"Only the royalty level can book that place. And now, they're using that for a mere birthday party?" Napakunot noo si Adrienne sa sinabi ni Samantha.

"Ayaw sana naming sumama kaso, sasama na po ang lahat ng section ng fourth year. Sabi ng teacher namin, mag-enjoy daw. Hindi na kami makatanggi," ani Ally. "Saka tingin ko po, kaya kami ini-invite doon kase may masamang pinaplano 'yung birthday celebrant kay Arya," dadag pa ng dalaga.

"Your cousin?" Tanong ni Adrienne. Nagpalipat-lipat ang tingin kay Arya at Alfonse.

"Hilaw. Adopted ng lola niya sa mother side ang mommy ko," nakangusong wika ni Arya. "Ate, I don't care about her. Hmp! Hindi ko nakakalimutan ang ginawa nila sa mga ari-arian namin ha. At ang ginawa nila kay kuya Ariston! I don't care kung pag-trip-an niya ako. Hihintayin ko siyang mag-first move at ibabalik ko ang gagawin niya sa akin. I've been studying mix martial arts lately. I can surely give her one slap or a punch. I'm not afraid of her,"

Samuella taps Arya's head.

She finds this little girl cute and endearing.

"Do what you want, I'll support you," Samuella said in a low voice.

If worst comes to worst, she at least, in this city, has some authority. Hinding-hindi niya hahayaan na may mangyaring masama sa sister-in-law ng kapatid niya.

She's curious though. Sinong nilalang kaya ang nakapag-papayag kay Ginoong Consunji na gamitin ang Maria Manor para sa isang birthday party na halos presyuhan nito ng napakataas huwag lamang marentahan ng kahit na sino.

"Yay!!! I know you're the best Ate! Don't worry, sit there and watch the show. I will definitely make you proud!"

Hindi tuloy malaman ni Adrienne kung ngingiti ba siya o ngingiwi. Sa nakikita niya, mukhang excited 'tong dalawang bagets na makagawa ng gulo.

"Ate, hindi na natin kailangang bumili ng isusuot. Ang dami-dami ko pong damit na pwedeng suotin. Binilhan pa nga naman ako ni mommy noong nakaraang araw lang. Nag-uwi pa siya ng limang gown dahil baka daw biglang ayain ako ng mga kaklase ko sa party, at least daw, may magagamit ako,"

Tumango si Samuella.

"Alright, let's start. Maligo na kayong dalawa at ako na ang magmi-make up sa inyo," ani Adrienne na kaagad namang sinunod ni Alfonse at Arya.

"Ah wait, Arya," kaagad na tawag ni Adrienne sa dalagita noong akmang tatalikod na ito. "Dalhin mo nga ako sa kwarto ng ate Sam mo at doon ko ilalagay 'tong mga gown na isusuot namin ni Arya," Seryosong wika ni Adrienne. But mentally, she's cursing herself. Kamuntik na niyang makalimutan ang bagay na iyon.

The DivorceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon