Chapter 95: How To Tell Him

335 19 10
                                        

Dahil sa malagkit na pakiramdam, mas minabuti ni Samantha ang maligo nang gabing iyon. Hindi niya talaga ugaling maligo sa unang araw ng buwanang dalaw niya dahil sa bigat ikilos ng kanyang katawan. Mas gugustuhin na lang niyang matulog maghapon at magdamag.

Pero sa sitwasyon nila ngayon, walang lugar ang pag-iinarte. Sa sobrang focus nga niya na makahanap ng gamot para kay Arem, nawala na sa isip niya ang kanyang buwanang dalaw. Thankfully, hindi gaanong masakit ang puson niya.

Mabilis ang bawat kilos ni Samantha habang nagkukuskos ng sabon.

Maya-maya pa ay nakarinig siya ng mahinang pagkatok mula sa labas ng pintuan.

"Here's your things. Don't bathe for too long," malumanay na bilin ni Arem mula sa labas ng pintuan.

Sandaling natigilan si Samantha. Rinig na rinig niya ang pag-aalala sa boses ni Arem kahit na halos parang bumubulong ito habang nagsasalita sa labas ng banyo.

"Kumain ka na? Nasa kusina ang gamot mo. Make sure na iinumin mo 'yun pagkatapos mong kumain," hindi mapigilang saad ni Samantha. Lihim siyang nagpasalamat na dinala na mismo ni Arem ang mga gamit niya.

Although nahihiya siya, pinipilit ni Samantha ang sarili na labanan iyon. May mapapala ba siya kung ipagpapatuloy niya ang pagkakaroon ng manipis na mukha?

"I'll wait for you," ani Arem na papalayo na sa banyo ang tinig.

"Oh...," Dahil sa narinig ay dali-dali ng nagkuskos tuloy si Samantha ng iba pang parte ng katawan niya. Pagkatapos ay sinunod-sunod na niya ang pagbubuhos para mabanlawan ang sabon sa kanyang katawan. Maingat niyang binuksan ang pintuan ng banyo matapos niyang maligo. Kinuha sa labas ang bundle ng damit at mabilis na pumasok ulit sa loob ng banyo.

After 15 minutes ay lumabas na rin kaagad si Samantha. Mabuti na lang at nagkasya ang ipinabiling jogging pants at tshirt ni Arem sa anak ng landlady. Mukhang bagong laba din iyon dahil amoy laundry detergent.

Ipinasuyo siguro ni Arem na palabhan ang damit na iyon sa laundry shop na nasa kabilang kanto.

Ang ipinagtataka lang ni Samantha, saan galing ang ipinambili nito ng damit niya? Wala na silang kapera-pera. Dali-daling nagtungo si Samantha sa kwarto nila.

Pero sa halip na tanong ang lumabas sa bibig niya, bahagyang napaatras si Samantha dahil sa tinging ipinupukol ni Arem sa kanyang mukha.

Kinakabahan na inayos ni Samantha ang kanyang buhok. Para lang panlakhan ng mga mata nang ma-realize niyang napaka-iksi na noon!

Oh no! My hair!

Tulalang napatitig si Arem kay Samantha.

Matagal na napatitig sila sa isa't-isa. Pareho silang tila ba ipinako ipinako sa kanilang kinatatayuan.

"W-what happened to your hair?" hindi makatiis na tanong ni Arem.

He's asking. But deep inside, he suddenly have an idea why she's able to buy food and medicine.

For the first time in his life, Arem felt powerless.

He knew exactly why Samantha had done it. And the knowledge shattered something deep within him. He had always admired how beautiful her hair was, how it fell in soft waves over her shoulders, how it caught the light on sunny days, how nice it smelled, then she would absentmindedly twist strands between her fingers when she was deep in thought. But more than any appreciation for its appearance, it was the knowledge that she had willingly parted with something so personal, so much a part of herself, just to provide his medicine and for them to eat properly too.

The DivorceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon