Chapter 80: The Sharp Adrienne

557 24 7
                                        

Sebastian looked at the person sitting before him, unsure how to react. Honestly, over the past few days, this seemingly heartless woman had gotten so clingy that he didn't know what to do with her. He tried to keep it cool on the outside, but deep down, he was bubbling with happiness, every part of him buzzing with excitement.

Only he knew just how much he loved the way she clings to him.

And yet now, this woman is telling him she wants to stay at her twin sister's house to pretend to be her sister?

"Seb, don't get mad, okay?" Samuella coquettishly holds Sebastian's arm. "I'm also worried about Samantha. Isa pa, I learned from my assistant na mahal na mahal ng kakambal ko ang mga in laws niya. Ayaw kong pati sila ay mag-alala kay Samantha,"

The guy was enjoying his food, taking his time and making it look easy and stylish. With a laid-back vibe, he savoured each bite, as if eating were a chill art form that everyone around him noticed.

Napalunok si Samuella. Inaakit ba siya ng lalaking 'to?

Dahil ba aalis siya at hindi niya alam kung kailan siya makakabalik?

"S-seb," hindi na talaga alam ni Samuella kung ano pa ang sasabihin. Hindi niya alam kung paanong pang-aamo pa ang gagawin dito. Ayaw niyang magmukhang girlfriend na nagpapaalam sa boyfriend dahil sa totoo lang, wala naman silang label. He likes her and she likes him.

Alam nila iyon sa mga sarili nila pero hindi nila iyon maamin sa isa't-isa. Plano ni Samuella magtapat sana noong nasa China sila pero matapos ang encounter nila kay Arem at ang biglaang pagkawala ni Samantha, nawala na sa momentum si Samuella.

And Sebastian, after so many turn downs from her in the past, hindi na ito nagtangka ulit banggitin ang tungkol sa relasyon nila. Na para bang masaya at kontento na ito basta magkasama silang dalawa.

Huminga ng malalim si Samuella.

As of now, all she can do is to make him feel that he is a special person to her—in an intimate way. Na hindi lang ito espesyal dahil magkaibigan sila, o dahil halos lumaki na sila na kasama ang isa't-isa.

"How many days?" Matapos mabalatan ang isang malaking hipon ay inilagay iyon ni Sebastian sa pinggan ni Samuella.

"Actually, I-i don't know. Hanggang ngayon wala pa ring balita kay Samantha. P-pero pagkauwing-pagkauwi ni Sam, babalik ako kaagad. Then I'll tell you something,"

"Ok—,"

Bago pa matapos ang sasabihin ni Sebastian, naputol iyon dahil sa biglang pag-ring ng cellphone ni Samuella.

"Oh, it's Sam's phone,"

Napatingin si Samuella sa pangalan na nakalagay sa maliit na screen ng de-keypad na cellphone.

Adrienne calling...

Halos magkasabay na kumunot ang noo ng dalawa.

"Answer it,"

Napakagat labi si Samuella. Although magkaboses silang dalawa ni Samantha, paano kung may itanong ang tumatawag at hindi nita alam ang isasagot?

Huminga ng malalim ang dalaga. Kahit na bahagya pa siyang kinakabahan, buo ang loob na pinindot niya ang answer button ng cellphone.

"Hell—"

"Sammy! Where are you?!" The voice at the other end of the phone sounded frantic and nervous.

"Ad—,"

"Help me! Where are you please?!"

Kinabahan si Samuella. Base sa boses ng babaeng nasa kabilang linya, malapit ang relasyon nito sa kakambal niya. Kaya naman kaagad niyang sinabi kung nasaan silang dalawa ni Sebastian. Ayaw niyang may mangyaring hindi maganda sa kaibigan ng kapatid niya.

The DivorceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon