Pakiramdam ni Chelsy ay huminto ang mundo niya matapos marinig ang mga paratang ni Arya. Hindi niya inaasahan na ang duduwag-duwag niyang pinsan na ito ay bigla na lang magiging tigre dahil sa galit.
Napalunok si Chelsy.
Kung alam lang niya na mati-trigger ang babae, hindi na lang sana niya inutusan ang yaya niya na palitan ang regalong dala nito ng patay na hayop.
Ano nang gagawin ko?!
Natatarantang hinanap ni Chelsy sa paligid ang kanyang pamilya pero wala pa rin ang mga ito.
Unti-unting lumakas ang kabog ng dibdib ni Chelsy.
Alam niyang kampante ang lahat na walang magiging aberya sa gabing iyon dahil hindi naman binanggit ni Chelsy sa mga ito na inimbitahan niya ang patay gutom na anak ng ampon ng lola nila. Para saan pa at kailangan niyang sabihin ang ganoon kaliit na bagay? Kaya na niyang desisyunan iyon.
Kaya lang, wala sa hinagap niya na magiging ganito ka-agrisibo ang babaeng ito.
"Limang taon 'tong iniiyakan ng Mommy ko gabi-gabi dahil ito lang ang tanging alaala niya sa tunay niyang mga magulang. Tapos kahit halos lumuhod na siya para lang ibalik niyo, a-anong ginawa niyo?!" Sa tindi ng emosyong nararamdaman ay hindi na mapigilan ni Arya ang pumiyok.
Namumula ang gilid ng mga mata nito pero pilit nitong nilalabanan ang nagtatangkang pagpatak ng luha.
Mas lalong kinabahan si Chelsy. Nasaan na ba kase ang mommy at Ate niya? Bakit wala pa rin ang mga ito? Magsisimula na ang party pero hindi pa rin dumarating ang mga ito? Lalong napuno ng pagsisisi ang kalooban ni Chelsy.
Ano nang gagawin niya?!
Napaka-importante ng kwintas na iyon ayon sa ate niya. Hindi nga alam ng mga ito na isinuot niya ang kwintas. Nalaman lang niya kamakailan na gustong-gusto ng kanyang lolo Kevin ang kwintas kaya naman itinakas niya iyon sa jewelry vault ng ate niya ngayong kaarawan niya para mas lalong matuwa sa kanya ang lolo na ngayon lang nila natagpuan.
Hindi alam ng buong pamilya niya na itinakas niya ang kwintas.
At mas lalong hindi rin naman niya alam na basta na lang iyong hahablutin ng patay gutom na si Arya!
Paano na ngayon?
Paano niya kukunin mula sa mga kamay ni Arya ang kwintas na iyon?
"Chelsy!"
Nanlaki ang mga mata ng dalagita. Kaagad na nagliwanag ang mukha ni Chelsy nang marining ang tawag na iyon. Lumingon ito sa pinanggalingan ng tinig. Kaagad itong nakahinga ng maluwag nang makita kung sino ang dumating.
"Ate!"
Patakbong lumapit si Chelsy sa nakatatandang kapatid nito. Kaagad itong yumakap sa bagong dating.
"What's happening?" Nakakunot-noong tanong ni Chandra. Na-late siya ng dating dahil hinintay pa niya ang pagdating ng boyfriend niya, pero na-late na lang silang dalawa ng mommy niya at lahat, ni hindi man lang sumipot ang magaling na lalaki.
Ayon sa katulong na siyang sumagot sa tawag noong tawagan ni Chandra ang bahay ng boyfriend niya, nakaalis na daw ito papuntang Amerika. Hindi maipaliwanag ni Chandra ang nararamdaman niya noong marinig ang sinabi ng katulong. Pinaghalo-halong disappointments, galit at sama ng loob ang nararamdaman niya.
Kalahating oras na siyang late para sa party ng nakababatang kapatid kaya naman pilit na pinakalma ni Chandra ang sarili. Huminga siya ng malalim at saka ibinaba ang telepono. Nang hinahanap na niya ang kanyang mommy Cheena, sinabihan siya ng katulong na mauna na siya sa venue ng birthday party dahil may sinundong bisita ang mommy niya mula sa malaking gate.
BINABASA MO ANG
The Divorce
RomanceIn her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her directly, he was the reason for her early demise. Upon waking up, Samantha promised to live her second life without regret. But first, she mus...
