Chapter 98: Abandon

216 18 4
                                        

Pagkatapos maghilamos ay kaagad ng lumabas si Samantha para bumili ng maalmusal nila. Dahil sa tinitipid niya ang perang meron sila, nagdesisyon si Samantha na maglulugaw na lang siya ulit para sa kanilang almusal. Ngayon ay bumili siya ng kalahating kilo ng manok para sa pansahog.

Nang makabili ng kalahating kilong malagkit, kalahating kilo ng bigas, sibuyas, bawang at iba pang condiments ay inikot pa ni Samantha ang palengke. Nagmasid-masid lang siya sa paligid at nang makaramdam na ng pagod sa ginagawang paglalakad ay nagdesisyon siyang umuwi.

Pero sa halip na bumalik sa daan na tinahak niya kanina, mas pinili ni Samantha na pumasok sa kabilang kalsada. Pagpasok na pagpasok niya pa lang sa unang kanto ay muntik na siyang masabuyan ng maduming tubig. Iritableng tumingin siya sa direksyon kung saan iyon nanggaling.

"Lumayas ka dito! Ang baho-baho mo!"

"Kanino bang aso 'yan?"

"Bakit hindi na lang yan patayin?"

"Kapag namatay, ikaw ba ang maghahanap ng paglilibingan?"

Pinagmasdan ni Samantha ang mga taong ni walang pakialam kung tinamaan ba siya nang tubig o hindi. Habang pinagmamasdan niya ang mga ito, hindi niya mapigilang pasingkitin ang kanyang mga mata. Unti-unting bumabangon ang galit sa dibdib niya.

Sa wakas!

Natagpuan niya rin ang mga taong nangunguna sa listahan niya. Ang pamilya ng mga Dinayan. Pagmamay-ari nila ang pinakamalaking restaurant sa lugar na iyon. At kinuha siyang dishwasher ng mga ito. Dahil sa gutom at walang matirahan, pumayag si Samantha sa mababang sweldo na inaalok ng mga ito at doon na nagsimula ang lalong paghihirap ni Samantha. Hinding-hindi niya makakalimutan kung paano siya gawing alipin ng mga ito.

Tahimik na ikinuyom ni Samantha ang kanyang kamao.

Be cool, Sam. Don't get mad. There's always a good time for the best revenge.

Huminga ng malalim si Samantha at saka tumalikod. Sa paghakbang niya ay hindi sinasadyang may masipa siyang mainit at magaspang na bagay. Nakakunot-noong tinitigan niya iyon.

Tumitig pabalik kay Samantha ang mga matang pamilyar na pamilyar sa kanya.

Iba't-ibang uri ng imahe ang lumitaw sa isipan niya. At lahat ng iyon, ay patungkol sa asong ito na nasa harapan niya.

The dog in her memory was so dirty that no one could bear to look at it. They hated its dirty appearance and unbearable smell. Everyone will turn away in disgust, even hurling harsh words to drive it off. Because a terrible skin disease had left its body cracked, dry, and patchy white—to the world, it was nothing but an ugly, wretched creature. And the smell, it was so foul that people would hold their breath and cross the street just to avoid being near it.

Pero iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit wala ng gustong lumapit noon kay Samantha, dahil maging siya man noon ay hindi na rin maganda ang amoy ng katawan. Hindi na siya nakakaligo, katabi niya palagi ang magalis at mabahong aso.

Ikinurap-kurap ni Samantha ang kanyang mga mata. Nanghahapdi iyon. Hindi niya makontrol ang kanyang sarili lalo na nang bigla na lang tumulo ang mga luha sa mga mata niya.

"Buddy?" tawag niya sa hindi nakakasigurong tinig. Napakagat labi si Samantha. Biglang-bigla na lang pumait ang kanyang panlasa. Buddy.

Ever since her rebirth, that name never crossed her mind. She even thought about adopting a dog, ni hindi sumagi sa isipan niya na may isang hayop na maaaring naghihintay sa pagbabalik niya.

The dog looked at her with deepest longing. It bark softly at her. Rubbing its dirty head to her pants. Samantha's tears kept on falling.

How did she forget about it? This dog that had become her companion in that hell?

The DivorceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon