"Here,"
Lumingon si Samantha kay Arem na hindi niya alam kung saan nanggaling.
"Ano 'yan?" Nagtatakang tanong ni Samantha sa asawa. Lumingon siya dito at pinaningkitan niya ito ng mga mata nang makita ang madungis at pawisang itsura ng asawa.
Yes. Asawa.
Since they wanted to make their relationship official, she figured it was time to get used to treating him like her real husband. Over the past few days, Samantha has seen how genuine he is, and his efforts have started melting the walls she built around herself. Even though she’s been hurt in the past, that doesn’t mean she can’t trust others. At least, she wanted to trust this person for now. She’s not unreasonable, she just wants to protect herself.
"Food," Arem said in his deep and cold voice that Samantha liked.
Kaagad na tiningnan ni Samantha ang mga bagay na nasa kamay ni Arem.
Dalawang malaking balot ng slice bread at isang malaking tasa ng umuusok na gatas.
"Saan 'to galing?" Samantha felt warm deep within her.
Mula pa kaninang tanghali ay hindi pa sila kumakain. Dahil nasiraan ang jeep na dapat ay kanina pa nakarating sa Bayan, napilitan silang kainin ang baon nila at ngayong pagabi na, hindi pa rin nalalamnan ang mga sikmura nila.
Kung silang mga babae na naglakad lang ay nakakaramdam na ng pagod at gutom, paano pa ang mga lalaking nagtulak ng jeep papunta sa pinakamalapit na talyer? Lagpas kalahating oras ding nagtulak ang mga ito para lang madala doon ang jeep.
"Store,"
"Anong ipinambayad mo?" Nakakunot-noong tanong ni Samantha. Alam niyang saktong-sakto lang para sa pamasahe ang pera nila kaya hindi niya alam kung saan ito kumuha ng perang pambili.
"You don't have to worry about that. We have enough money to go home. C'mon, eat. Share the bread with everyone. I will help them fix the jeep," Arem said softly. Alam nitong hindi makakakain si Samantha na ito lang mag-isa kaya naman dinagdagan nito ang biniling tinapay para makapag-share ito sa mga babaeng kasama nito sa umpukan.
Samantha felt moved.
See?
Whenever this person is around, everything feels so easy. Na para bang walang problema na hindi nito kayang solusyunan.
Minsan nga kahit na sumusobra na ang pagiging salbahe niya, magg-give way lang ito at sasabihin na ito ang may kasalanan.
Hindi niya alam kung dahil lang ba sa galing siya sa sakit kaya ganoon ito ka accommodating o kung iyon ba talaga ang tunay nitong pag-uugali. Anyways, he better keep it up or else bibili na lang siya ng villa kapiling ang aso at pusa na saka na niya pag-iisipan kung anong breed ba ang magandang kasama habang buhay. Kapag tinarantado siya ng lalaking ito, hahanap talaga siya ng aso at pusang may lahing bampira para siguradong may kasama siya hanggang matuyo ang lahat ng ugat niya sa katawan.
"Why are you spacing out again?" Arem asks and flicks her forehead. He might sound cold pero nasanay na si Samantha sa tono ng boses nito. Anyway, she loved it. So it doesn't matter what others think.
Tumikhim si Samantha. She grinned shippishly at him.
"Baka gutom lang," aniya.
Naiiling na tumayo si Arem at mahinang tinapik sa ulo ang asawa.
"Stay with this group. I'll help them fix the jeep," ulit na sabi nito.
"Marunong ka?"
"I can help them hold the flashlight," Arem said seriously.
BINABASA MO ANG
The Divorce
RomanceIn her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her directly, he was the reason for her early demise. Upon waking up, Samantha promised to live her second life without regret. But first, she mus...
