Chapter 87: Worried For Each Other

434 26 7
                                        

Samantha leaned over and pressed her palm to Arem’s forehead.

Haaa!

Salamat naman at humupa na rin sa wakas ang lagnat nito. Bahagyang huminga ng malalim si Samantha. Buong magdamag niyang binantayan si Arem sa takot na baka tumaas ang lagnat nito. Paulit-ulit niya itong pinunasan ng bimpo sa buong katawan. Kahit na ramdam na ni Samantha ang pagod, pilit niya iyong nilalabanan dahil gusto niyang masiguro na tuluyan ng mawala ang lagnat ng asawa.

Samantha's eyes drifted over Arem's face – still so handsome but he was so pale, like he’d been drained right out, and when he shifted a little, he looked way too weak to even sit up.

"Arem, I'm going out," mahinang bulong ni Samantha sa may tenga ni Arem. Hindi siya mapalagay lalo na at wala na silang kapera-pera. Hindi naman siya magician para pagkatapos sumigaw ng avra-kadavra ay may gamot na bigla na lang lilitaw sa mga palad niya.

Kailangan niya itong mapainom ng gamot.

Arem open his eyes.

Mula sa pagkakahiga ay balisang gumalaw ito. Marahil dahil sa pagod at ilang araw na pagpupuyat, hindi nalabanan ng katawan ni Arem ang flu na siyang dahilan ng panghihina nito. Ni walang kalakas-lakas ang katawan nito.

Pero nang mga sandaling iyon ay pilit na ibinabangon ni Arem ang sarili pagkatapos marinig ang sinabi ni Samantha.

Puno naman ng pag-aalalang pinigilan ni Samantha si Arem sa pag-upo na gagawin nito.

"Mahiga ka lang, kailangan mong magpahinga," malumanay na wika ni Samantha dito. Marahan niya itong tinapik-tapik sa balikat.

"W-where are you going?" Halos pabulong na tanong ni Arem. Namamaos rin ang tinig nito. Kaagad itong hinawakan sa kamay si Samantha. Hindi maitatago ang pag-aalala sa mga mata ni Arem na mamasa-masa pa nang sandaling iyon.

"Y-you're not f-familiar with this place," he worriedly added in his sultry weak voice. Mahigpit nitong hinawakan si Samantha. Pero kayang-kaya iyong alisin ni Samantha kung gugustuhin niya lamang.

Hindi niya magawang saktan ito lalo pa at ganito na ito kahina.

Anyway, thinking about this place na pinagdalhan sa kanila ng jeepney driver, hindi mapigilan ni Samantha ang pagbilis ng tibok ng puso niya kanina habang papasok pa lang sila sa naturang lugar.

Something flashed in Samantha's eyes.

Not familiar?

I don't think so.

Samantha sat quietly on the edge of the bed, her gaze fixed softly on her sick husband as she pressed her lips into a thin line, carefully hiding the deep turmoil that was swirling like a dark storm clouds in her eyes.

"W-wife?"

Kaagad na ngumiti si Samantha at marahang tinapik ang likod ng kamay ni Arem na nakahawak sa kamay niya. Walang kalakas-lakas ang paghawak nito. Indikasyon lamang na hindi maganda ang kalagayan nang katawan ni Arem.

"Magtitingin-tingin lang ako sa labas. Don't worry, I'll be fine," Samantha assures him. "Hindi ako lalayo, promise,"

"..." Bumuka ang bibig ni Arem pero walang salitang lumabas mula doon.

Napakurap si Samantha. Kitang-kita niya ang pagsisisi sa mukha ni Arem. "I'm sorry, with my current condition, I cannot bring you out of this place. Let's stay here for a while, okay?" mahinang usal nito. "I'll be fine after a day's rest. Don't go far away, okay?" Bilin ni Arem habang matamang tinititigan si Samantha.

Alam niyang hindi niya ito mapipigilan kaya ang tanging magagawa niya lang ay paalalahanan ito.

Samantha pat the back of Arem's hand.

The DivorceMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon