Chapter 90: A Slave To Money

249 20 3
                                        

Dalawang eskinita pa ang kailangan nilang daanan bago makarating sa lumang apartment na tinutuluyan nila Samantha. Wala pa ring malay ang lalaking inaalalayan nila kaya naman hindi madali para sa dalawang babae ang maglakad habang may akay-akay na lalaki na mas mataas at mas malaki ang built ng katawan kumpara sa kanila.

Nang liliban na sila sa kabilang eskinita, napahinto sa paglalakad si Samantha dahil  mula sa kanilang unahan ay may naririnig na siyang kaguluhan.

"Bakit?" Curious na tanong ni Dr. Lopez kay Samantha.

"May nagkakagulo sa unahan. Hindi mo ba naririnig?" Pagbabalik tanong ni Samantha.

Sandaling tumahimik ang doktor. Makalipas ang ilang segundo ay umiling ito ng ilang beses. Indikasyon na hindi nito naririnig ang naririnig ni Samantha.

"Leonel! Sisiguruhin kong katapusan mo na ngayon!"

"P—ina mo Armando! Kung hindi mo nilagyan ng gamot ang beer ko sa palagay mo ba makakaganti ka sa suntok ko?!"

"Tatanga-tanga ka kase! Sinong bobo ba ang iinum ng alak na galing sa kamay ng kaaway niya?!"

Napakunot-noo si Samantha. Rinig na rinig niya ang sigawan ng dalawang tao na para bang nangyayari iyon sa mismong harapan niya, pero ang doktor na kasama niya, wala man lang naririnig.

Minsan naiisip ni Samantha, kung may ganito siyang abilidad, anong abilidad naman kaya meron si Samuella?

"Tumakbo ka na Leonel Montenegro! Huwag kang magpapahuli sa akin ng buhay!"

When Samantha heard that name, her brain worked fast.

In her past life, that Leonel Montenegro died from blood loss. He came from an influencial family and the moment he died they regretted sending him to this place.

Parusa lang ang pagpapadala kay Leonel Montenegro ng kanyang lolo dito sa TFA. Nang mawala ang apo, galit na galit ang matanda at halos maubos ang kalahati ng mga kriminal sa TFA. Maging ang taong dahilan ng pagkamatay ni Leonel Montenegro ay hindi nakaligtas sa galit ng matanda.

Hindi makakalimutan ni Samantha ang balitang iyon dahil matapos niyang marinig ang tungkol sa pagkamatay ni Dra. Lopez noon, bigla na lang nagdatingan ang mga lalaking may armas para hanapin ang bangkay ni Leonel Montenegro. Ginawa pang dahilan ng matanda ang pagkamatay ng doktora at ng apo nito para maparusahan ang lalaking nanakit sa apo nito kasama ang buong gang ng lalaki.

Blood loss.

Ibig sabihin hindi kaagad namatay si Leonel Montenegro. Marahil ay nagtago ito at hindi na nagawa pang makalabas dahil sa kalaban nito.

Walang tumulong dito at bandang huli ay hindi na kinaya ng katawan nito ang pagkakaubos ng sariling dugo.

Iniikot ni Samantha ang patingin sa paligid.

Napatitig si Samantha sa madilim na bahay na nasa bandang unahan nila. Mukhang bakante iyon dahil sira ang gate sa harapan at butas-butas na din ang ilang bahagi ng pader.

"Dito muna kayo. May iche-check lang ako," ani Samantha sa doktor na bigla namang kinabahan dahil sa inaasal niya. "I can hear things from far away. Nagkakagulo doon at baka pamahamak pa tayo kapag tumuloy tayo," paliwanag ni Samantha.

Ninenerbiyos na nagtago sa madilim na bahagi ang doktor at ang maingat nitong niyakap ang asawa nitong wala pa ring malay.

Akmang aalis na si Samantha nang may maalala.

The DivorceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon