Nasaan ka? Kailangan kitang makita. Kailangan kong malaman kung bakit bigla ka na lang nawalang parang bula. Hahanapin kita... pangako!" Kasabay ng marahang paglaki ng aking mga balintataw ay ang pagbabalik tanaw ko sa nakalipas. Ramdam ko na naman ang nakatarak na punyal sa aking dibdib sa tuwing maiisip ko siya. Iniwan niya ako. Walang bakas. Walang anino.
Kaya ngayon kailangan kong mapagtagumpayan ang huling pagsusulit na ito para maging isang ganap na mercenary keeper. Ito lang ang alam kong paraan para mahanap ko siya. Kailangan kong pumasa!
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga at pansamantalang ibinaon sa limot ang lahat. Nasa gitna na naman ako ng Garon Forest kung saan buhay ko ang nakataya. Kailangang mapatunayan kong hindi nasayang ang ilang taong pagsasanay ko sa academy. Kailangang maipakita kong hindi na ako ang babaeng pinagtatawanan nila noon. Hindi na ako mahina at matatakutin. Ang lahat ng takot na noo'y dala-dala ko ay ibinaon ko na kasama ng mga mapait kong nakaraan.
Handa na ako.
Isang marahan at maingat na paghinga ang pinakawalan ko habang hinihintay ko ang paglabas ng golden stone ng Gemini. Hindi ko kailangang magmadali. Kailangang hintayin ko ang tamang pagkakataon para mapasakamay ko ang mahiwagang bato. Isang maling kilos ko lang ay katapusan na ng lahat ng aking pinaghirapan. Kailangang malusutan ko 'to.
Kailangan kong pumasa sa final test para maging isang ganap na ordained keeper. Ito ang natatangi kong paraan para mahanap ko siya.
I have waited too long for this and I won't waste a single strand of second to succeed.
Narinig ko ang kaluskos sa di kalayuan. May mga paparating. Naisip ko.
Hindi ako nagkamali dahil habang papalapit-ng papalapit ang mga kaluskos at tunog ng naapakang tuyong mga dahon at kahoy ay napagtanto kong hindi lang iisa kundi higit pa sa tatlo ang nag-uunahang makarating sa kinaroonan ko. Napakabilis ng mga galaw na 'yon na kahit ako mismo'y halos hindi na nakapaghanda sa kanilang pagdating.
Nilibot ko ang buong lugar. Kailangan kong makahanap ng mapagtataguan bago nila ako maabutan. Hindi ko kailangang makipagpatayan para lang makuha ang isa sa limang golden stone.
Malapit na sila! Sigaw ng isip ko.
Sa wakas ay nakakita ako ng mga kumpol ng malalaking dahon ng gabi sa gawing likuran ko. Mabilis akong gumulong sa damuhan para marating ang dakong iyon. Halos malasahan ko ang putik na nagsitalsikan nang patuloy ako sa paggulong upang hindi marinig ng mga paparating ang kilos ko. Isiniksik ko ang aking sarili sa makapal na kumpol ng halamang iyon at hinintay ang pagdating ng mga kapwa ko keepers na nag-aasam na makuha ang batong magbibigay saakin ng karapatang tawaging isang ganap na mercenary keeper.
Halos magkakasunod ang halos di marinig na pagdapo ng mga paa ng apat na keepers ilang metro mula sa pinagtataguan ko. Aatake ako sa oras na lumabas at lumutang sa ere ang golden stone of Gemini. Hahayaan kong magkaubusan sila ng lakas at sasamantalahin ko ang pagkakataon iyon para makuha ang bato. Nakahanda ako sa anumang bakbakan pero hindi iyon ang una kong hakbang para magtagumpay sa pagsusulit na 'to. Kailangan ko ng tamang pasensya at tamang pagkakataon.
Ang akala ko'y lilitaw na ilang saglit ang ginintuang bato ng Gemini, pero nagkamali ako... nagkamali kami!
First came the catapult fire, from somewhere behind us. Then came the arrows, the grappling hooks, and falling fireballs. Giant Orcs and armored skeletons with a crossbow leaped around and charged over the top, each moving fast and furious trying to clash the four keepers.
"We are ambushed!" Sigaw ng isa na naghanda na sa pakikipaglaban.
"Ahhhhh!" Isang malakas na sigaw. 'Yon ang naging hudyat para sa pagsisimula ng labanan sa pagitan ng apat na keepers at ng mga nagsisulputang giant orcs at armored skeletons. Sabay-sabay na sumugod ang mga halimaw palibot sa apat na keepers.
I held my breath. I stopped breathing for almost ten seconds. Pinilit kong ikubli ang aking sarili na kahit paghinga ko'y pigil para hindi mahuli. As I released my breath when I can no longer hold the pending air in my chest, I felt a hard and cold sharp object pointed on my neck. Isang patalim ang nakatutok saakin.
Nahuli ako!
Isang maling kilos ko lang ay katapusan ko na. Tuluyan nang maglalaho ang natatanging susi para mahanap ko ang lalaking naging dahilan ng aking pagsisikap para sa pagsubok na ito.
Laurent...
BINABASA MO ANG
The Seekers (TKS #2)
FantasyWattys 2016 Winner for Talk of the Town Category The death of evil is temporary. For when the strongest abhorrence lingers beneath Like a seed sown by darkness and evil It will make its way to bear chaos. Lucky are those who know nothing what lies...