Epilogue

26.3K 1K 295
                                    

Malakas ang tunog ng dambana ng kapitolyo ng Cairos. Nagsimulang umingay ang paligid dahil sa maliliit na kampanilya at timbreng hawak ng bawat mamamayan na nakaabang sa gilid ng kalye. Ang mga batang babae'y may mga hawak na buslong puno ng mga talulot ng bulaklak at mga makukulay na banderitas naman sa mga batang lalaki.

Matagal din ang panahon bago naging ganito ang pagkakaisa ng buong kaharian. Lahat ng mga mukhang nakikita sa paligid ay nakangiti at tila naiinip na sa paglabas ng tagapagligtas ng Cairos mula sa kastilyo, patungo sa Ever Bridge kung saan gaganapin ang seremonyas- ang kasal ng nag-iisang prinsesa ng Cairos na si Lara Hearthopia.

Ilang saglit lang ay lumabas na ang karwaheng maghahatid sa hari at sa prinsesa patungo sa makasaysayang tulay. Tatlong magigiting at gwapong keepers ang nasa unahan ng karwahe lulan ng tatlong puting kabayo -ang mercenary chief na si Priam na nasa seryosong ekspresyon parin, ang arkanghel na si Alvis na kinamamanghaan ng karamihan dahil sa itsura't kakisigan nito at si Silex na kaway ng kaway sa mga tao na animo'y siya ang ikakasal. Pawang mga nakasuot ng puting magarbong uniporme ang tatlong naggagwapuhang konsorte ng prinsesa.

Kasabay ng pagtunog ng trumpeta ang hiyawan ng mga tao. Iwinagayway ng mga batang lalaki ang kanilang banderitas habang nagsasabog ng petalo ng mga bulaklak ang mga batang babae. Nagmistulang isang festival ang paligid na punong-puno ng kagalakan. Nagdiriwang ang buong kaharian sa pag-iisang dibdib nina Lara at Laurent, na kinikilalang mga bayani ng Cairos.

Sa wakas, sa kahabaan ng kalye patungong Ever Bridge ay tumigil ang karwaheng nababalot ng mga diamanteng palamuti na disenyo mismo ni Amber. Nagsitayuan ang mga saksi, panauhin at pamilya ng mga ikakasal na nasa kabilang dako ng tulay. Sinalubong ng mga babaeng gabay ang pababang si Lara. Suot nila ang kulay silver na mermaid-cut gown na bumagay sa ginintiuang kasuotan ng prinsesa. Lara is wearing an echanted ivory and gold strapless A-line wedding dress with lace details and a sweetheart neckline which made her look like a goddess of the stars. She looks stunningly perfect at hindi maiwasang tumitig nina Priam at Alvis.

"Wala nang bawian ah, agila ninong pripri! Lalo na ikaw yelo. Nasabi mo na kay Laurent at Miranda na kapatid mo siya and as expected, naiilang siyang tawagin kang kuya pero I can feel it na pagdating ng araw he will. He might not call you his kin right now, but he will. Kaya hayaan mo nang maging masaya ang kapatid mo. Subukan niyong manghimasok! Sorry, she will be a Hale when she crosses the bridge!" pang-aasar ni Amber sa dalawa habang inaalalayan si Lara at inaayos ang buntot ng gown nito.

"Babe, masyado kang hard sa kanila. Baka isumpa tayo ni ninong Pri," awat ni Silex sa nobya. Abot tainga ang ngiti ng lalaki dahil gandang-ganda ito sa babae sa suot nitong silver serpentina gown na siyang pangunahing gabay ni Lara.

Nagyakapan ang magbestfriend na sina Lara at Amber bago inabot ni haring Theodore ang kamay ng anak. Nagsimulang tumugtog ang mga trumpeta na sinaliwan ng violin at rondalyo. Magsisimula nang tumawid ang mga konsorte at gabay sa tulay na napapalamutian ng iba't ibang kulay ng bulaklak na may kasamang wuld vines habang ang ibabaw nito'y may mga lumilipad na paru-paro na nagsasabog ng golden glitters sa bawat paghampas ng kanilang pakpak.

Naunang naglakad ang batang si Miranda habang nasa tabi nito sina Jolly at Joko. May dalang buslo ng ginintuang buhangin ang bata. Kumuha ito ng buhangin sa kanyang basket at mabilis na hinihipan habang naglalakad. Nagsabog 'yon ng samo't saring mga bulalakaw sa kalangitan. Namangha ang mga nakatunghay sa palabas ng batang arang.

Kasunod ni Miranda sina Alvis at Herina. Walang kapantay ang ngiti ng dating assassin habang nakasalikop ang kamay nito sa braso ng arkanghel. Nasa likuran naman nito ang pilit ang ngiting si Priam na namumula ang mga pisngi dahil sa katabing isang magandang babaeng kahawig ni Lara -si Ophelia, kamag-anak ni Haring Theodore na mula pa sa karatig isla ng Cairos.

"Ninong pri! Hindi ka na lugi niyan!" pang-aalaska ni Amber habang naglalakad sa likuran ni Priam.

Tumawa naman si Silex na nasa tabi lang ni Amber samantalang pigil sa paghalakhak ang nasa likuran nilang si Cael na hawak ang scroll ng seremonyas kung saan isusulat lahat ng kaganapan sa pag-iisang dibdib nina Lara at Laurent. Karaniwang hawak ng malapit na kamag-anak ng babae ang balumbon bilang bahagi ng kultura ng Cairos.

Nang makatawid na ang lahat sa magical Ever Bridge ay naghanda na ang mag-amang Lara at Theodore. Nginitian ng hari ang anak na prinsesa saka nagsimulang maglakad. Pero bago pa sila makahakbang ay ginulat ng isang espesyal na panauhin ang dalawa -si reyna Elmaea na nagawang magkatawang keeper pansamantala. Hindi makapaniwalang niyakap ni Lara ang ina sa bigla na lang sumulpot sa kanyang tabi.

"No mother wants to miss a daughter's wedding," malambing na sabi ng inang reyna.

Nagtawanan lang silang tatlo sa dulo ng tulay. Hanggang sa nagsimula nang sumaliw ang nakakakilig na musika sa hangin. Naglakad ang royal family. Nagsisayawan ang mga paru-paro sa tulay kasabay ng kusang paglaglag ng mga talulot ng bulaklak at paglipad nito sa paligid. Kumalat ang halimuyak ng mga bulaklak sa paligid.

Sa kabilang dulo ng tulay ay isang makisig na lalaki ang naghihintay at hindi halos kumurap sa pagkakatitig kay Lara. Halos makuyom nito ang palad dahil sa inip. Tumataas ang gilid ng mga labi nito habang papalapit ng papalapit ang kabiyak. Hindi rin niya mapigil ang maluha habang pinagmamasdan ang prinsesa na magiging kanya na habang-buhay.

Palakpakan ang mga naroon nang mag-abot ng kamay ang dalawang bayani ng keepers. Samo't saring emosyon ang sumakop sa Ever Bridge lalo na nang magpalitan ng vows to everlasting ang dalawa.

Lara: You are the man my father would've wanted for his princess. I think my dream about you was some sort of a sign. I am grateful to whatever force it was that nudged you towards me on that Garon forest. Many years ago, we fought for our lives. We danced with death. I wished that one day I dance with you every night with a smile on our face. Now the dream is here. Today I'm marrying my dream. I'll finally get to dance with you every night. I love you now and forever papa lulu.

Laurent: I have a lot of hopes and wishes that never happened. I never believed in the power of stars. That wish you throw when you close your eyes as you stare at the stars, because all my wishes when I was a little boy never came true. But you happened. I started believing that the stars might have made me wait these years for you to happen... and it was worth it. Today is my greatest fantasy, one that goes beyond my imagination, because it's you, my precious.

So before the stars today, I promise you a life of laughter, my love and my soul. I promise you, I will never get tired showing it. I love you more than you could ever imagine mama lala.

Tilian. Hiyawan. Palakpakan. Pinuno ng kilig ang Ever Bridge lalo na nang magtagpo ang mga labi nina mama lala at papa lulu. May forever!

Sa wakas ay natapos din ang paghihirap ng A-Team. Makakakain na ako ng isang box ng carrots na pinangako ni Alvis saakin noong isang araw pa. Hindi ako magsishare kahit na kalbuhin pa ako ng matakaw at hindi naliligong si Joko.

Pagkagat ko sa unang carrots na nakapa ko sa karton, napangiti ako nang magsilabasan ang mga larawan ng hinaharap sa aking balintataw. Mga mukhang may hawig kina Lara, Laurent, Alvis, Priam, Amber, Silex at Herina.

"Oh my A-Team babies!"


-END-

The Seekers (TKS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon