Laurent held my hands and looked at me like I was stark raving mad. He was obviously doubting the idea of a unison raid. With the hungry monster almost consuming his being, he's in hesitant in sharing the burden with me. He shook his head to express his disagreement.
Marahan kong pinisil ang mga palad nito. Hindi ko nilubayan ang titig niya. He lifted my arms as he press them against his chest. Dama ko ang malakas na kabog ng dibdib ng lalaki. Napapikit ito kasabay ng pag-ihip ng malakas na hangin sa pagitan namin. Sa muling pagmulat ng kanyang mga mata, napagtanto kong handa na siya.
"I always have the courage to trust your judgement on things Lara. I trust you. This is the best proof of my love," bulong nito pagkatapos ay marahang hinalikan ang likod ng magkabila kong palad. "Let's do this!"
Nang banggitin niya ang huling katagang iyon ay naramdaman ko ang nag-uumapaw na kapangyarihan sa kanyang palad. Naghanda ako, muli kong pinatakbo ang anim na enerhiya sa aking katawan. Mula sa iba't ibang bahagi ng aking sistema, dumaloy ang malakas kong six keeps sa aking mga palad kasabay ng pagpikit ko at pagsalubong sa enerhiyang nagmumula kay Laurent. Naging isa ang aming isip at damdamin. Lahat ng nilalaman ng puso at isipan niya ay nilalaman din ng puso at isipan ko.
Nakita ko ang mga pinagdaanan niya nang magdesisyon itong lumayo saakin. Nakita ko kung paano niya itinaboy ang mga awakened beluas sa kanyang katawan. His sleepless nights. His helpless moments. His pain. His agony. All of it. Napahigpit ang hawak ko sa kanya na halos magkayakap na kami. Muli kong naramdaman ang init ng katawan nito.
"Lara, I didn't want to tell you what I saw. But I love you so much as much as I trust you. Please help me control myself and stay with the light you possess. I don't want to get lost somewhere without you holding my hand. I don't want to be somewhere without you. I have always wanted to stay with you anywhere," halos manginig ang boses ni Laurent. Nararamdaman ko ang muling pagwawala ng mga malalakas na halimaw sa katawan nito.
"I won't let go of your hands, papa lulu. You have me. Always."
Nilabanan ko ang pag-akyat ng enerhiya ng kadiliman sa katawan ni Laurent. Tila isang digmaan ang namagitan sa mga itim na halimaw at anim kong kapangyarihan. Halos maduwal ako dahil sa sobrang lakas ng pwersang pinapakawalan ng mga awakened.
"Laurent! Lara! Make a huge energy fusion habang inaatake namin si Amry!" Narinig kong sigaw ni Priam na binabalot na ng baluti ng yelo sa katawan. With a whirlwind formed underneath his boots, he managed to float in the air. Bago ito bumwelo sa pagsugod sa itim na reyna, nagawa niyang makabuo ng isang matibay na ice sword sa kanyang kanang kamay.
Nasa itaas nito si Magret na tila papasugod na rin. Nakalahad ang mga kamay nito na magkabilaang kontrol ang lightning blankets. "Hah!" Napasigaw ang time keeper saka lumipad palapit sa kinaroroonan ng dark queen. Inihagis nito ang mga telang gawa sa kidlat at magkasabay na sumaklob ang dalawang lightning blanket na 'yon sa nakahandang si Amry.
Sumunod na sumugod si Priam habang nabalot ng mahika ni Magret si Amry. Ikinumpas nito paharap ang kaliwang kamay. Isang pagyanig ang nangyari sa nagyeyelong karagatan. Tumubo ang matutulis na higanteng yelo patungo sa kinaroroonan ng kalaban. Paikot ang mga yelong iyon na halos durugin ang reynang natatakpan ng blanket. Nagsalpukan ang bawat dulo ng mga bloke ng matutulis na yelo na gumawa ng pagsabog. Hindi pa nakontento si Priam at lumipad ito pataas saka pababang ihinampas ang hawak na espada sa kinaroroonan ng kalaban. Isang malakas na boltahe ng kuryente ang kumawala nang dumikit ang patalim ng espada sa kinaroroonan ni Amry. Halos maitaboy nito sina Magret at Priam.
"Lara, Laurent! Ngayon na!" sigaw ni Priam na tumilapon sa nagyeyelong karagatan.
Naalerto kami ni Laurent. Isang malakas na boltahe ng kuryente ang bumalot saamin. Tinubuan ng itim na pakpak ang lalaki. Hindi na rin napigilang umusbong ng ginintuan pakpak ko sa likod. Sa paghigpit ng hawak namin sa isa't isa, bigla kaming naglagablab at binalot ng malakas na apoy. Itinaas ni Laurent ang kaliwang kamay ko na hawak ng kanan niya saka siya nagsimulang umikot paitaas. Sumunod ang katawan ko sa paglutang namin sa ere. Paikot kaming lumipad hanggang sa naging mabilis na parang ipu-ipo ang nabuo ng aming kombinasyon.

BINABASA MO ANG
The Seekers (TKS #2)
FantasyWattys 2016 Winner for Talk of the Town Category The death of evil is temporary. For when the strongest abhorrence lingers beneath Like a seed sown by darkness and evil It will make its way to bear chaos. Lucky are those who know nothing what lies...