49. Light Versus Dark

21.3K 1.2K 180
                                    

PRIAM

Mula sa isang sulok ng isla ay mabilis na tumakbo si Joko palapit sa kinaroroonan ko. Kumislap ang mga asul nitong mata at mabilis na kumalat ang asul ding apoy sa kanyang katawan. Tumalon ito ng mataas at nag-anyong asul na usok patungo sa nakahanda kong braso.

Joko swiftly traveled towards my left arm like a spear of smoke. I felt a pang in my wrist when he finally entered the drone vessel inside my body. I sensed the sting of the icy smoke on my carpals going to my biceps then to my chest. Pakiramdam ko'y nanigas ang lahat ng ugat na dinaanan ni Joko. Parang isang matibay na metal ang itinarak sa dugo ko at ganoon na lamang ang lamig na sumakop sa buo kong katawan. Damn! It still hurts!

Ilang taon din nang una kong maramdaman ang drone armor sa aking katawan. Nangyari ito noong una naming pagkikita ng dating mabangis na halimaw mula sa isang tagong lupain - ang isla ng Faimon. Isang islang tanging mga katulad niya lamang ang may kakayahang mabuhay dahil sa kakaibang klima at kapangyarihang nakabalot dito.

Nasa isang misyon ako noon bilang baguhang mercenary chief. Naligaw ako sa nasabing isla nang ipinagkanulo ako ng kapwa kong mercenary keepers na pawang may galit at hinanakit sa pagkakahirang ko bilang pinakabatang mercenary chief ng Cairos. Ilang araw akong naging palaboy-laboy sa isla na pinaniniwalaang wala pang isang nilalang ang nagawang lumabas doon ng buhay.

Halos mamatay na ako sa lupaing iyon dahil sa pagod, gutom at sobrang panghihina. Tama ang paniniwala ng karamihan na hindi angkop ang klima ng isla para sa mga trivialis o kahit keeper pa. Walang nabubuhay na katulad ko sa kaharian ng mga drone o mga nilalang na may hawig sa mabangis na aso.

I was at my last set of breathing and my vision was almost blinded when Joko came suddenly. My eyes voluntarily closed. I was so weak. I thought the beast would devour me like what they usually do. He almost did. Naramdaman ko ang matatalim nitong pangil sa kaliwa kong pulso. Ang akala ko'y tuluyan na akong gagawing hapunan ng mabangis na hayop pero nagkamali ako. Nag-anyong usok ito at hindi ko namalayan ang pagpasok nito sa aking sistema. He purposely bitten my wrist for the sake of taking over my body, give me strength and rescue me from death.

All I though ay sinadya niyang makipagsanib saakin at kontrolin ng tuluyan ang aking katawan pero laking gulat ko nang magkaroon ako ng ibayong lakas kasabay ng pagbalot saakin ng isang matibay at kakaibang baluti na gawa sa makapangyarihang metal. I was damn wrong. Mistress Fhaun later told me what the drone did. What Joko did was the branding ritual of every drone. Lahat ng kagaya niya ay nakatakdang makahanap ng isang master keeper upang maging kasangga sa kahit na anong gawain ng napili niyang keeper. Like a wild beast finding a master or an imprint. Joko found me, saved me and served as my aegis everytime my life is at risk.

Napakabilis ang ginawang paglalakbay ng isip ko pabalik sa nakaraan. Bumalik ako sa nkasalukuyan nang maramdaman kong nakarating na sa buo kong katawan ang drone armor. I was covered with a metallic armor with a strong diamond coating with remarkable linings from head to foot. I was holding a large metal shield crafted from a strong metal sheet. All I need is defense against the uncontrollable Laurent. Hindi ko siya pwedeng saktan.

Muling dumagundong ang nakakagimbal na boses ni Laurent dahilan para halos magkabiyak-biyak ang karagatang kanina'y ginawa ko nang yelo. Nagawa nitong maitaboy ang ilan sa mga A-Team maliban kay Lara na nakatulala parin at hindi alam ang gagawin.

"Lara, umatras ka na! Hindi ka na niya nakikilala!" sigaw ko sa babae na parang nagtatangka pang lapitan ang nagwawalang lalaki.

The Seekers (TKS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon