23. Time's Surprise

28.5K 1.1K 312
                                        

Lumapag sa harapan ko ang isang kasuotang may kabigatan sa itsura at sa tunog nito nang bumagsak sa lamesang nasa harapan ko. Tila gawa ito sa magaang bakal na nakadetalye sa sa bawat bahagi ng damit. May kulay itong pinaghalong bakal at tanso na parang malayo sa kinagisnang kulay ng kasuotan ng Cairos. Sa tunog ng bagsak nito sa lamesa nang itapon ito ni Magret, halatang may kabigatan ang isusuot ko. Masisira ang poise ko nito.

"Isuot mo yan," utos ng mahaderang negritang time keeper. Naaasar na ako sa pagiging bossy nito at malapit na akong mapuno.

"I am not wearing that! Magboball gown ako!" angil ko sa babae sabay lagok sa inuming kanina ko pa gustong ibuhos sa kanya.

"Sige, magball gown ka sa pupuntahan natin. Tignan natin kung makakabalik ka pa ng buo."

Nagitla ako sa sinabi nito. Isa iyong banta. Nabahala ako at muling napalingon sa nakalahad na damit sa harapan ko. Mabilis ko itong hinablot at kaagad na nagtungo sa dressing unit. Narinig ko pa ang utos uli ni Magret bago ako tuluyang nakalabas sa anteroom.

"Bilisan mo Amber, hindi tayo pupunta ng Musa De Cairos. Misyon ang naghihintay saatin hindi float parade!"

Lapastangan. Bullcrap! Nakakainis! Nakakaubos ng ganda! Puno ng reklamo ang utak ko habang sinusuot ko ang damit na bigay ni Magret. Kasya saakin pero hindi siya bagay sa isang katulad ko. "Gosh hindi ako mandirigma!" Napasigaw ako nang pasadahan ko ang sarili sa harap ng salamin.

"Bagay naman sa'yo eh, you look strong and powerful," biglang singit ng isang lalaking boses na sa tingin ko'y nasa bungad lang ng pintuan.

Nang lingunin ko ito'y bumalandra saakin ang nakangiting mukha ni Kaiser. Bihis na bihis ito at mukhang may lakad. Mukha na naman itong maharlika sa suot na royalty suit na gawa sa matibay na bakal. Pero nahalata kong iba din ang disenyo nito na hindi ko pa nakikita sa buong Cairos.

"Hey K-kaiser, san lakad mo?"

"I'm going on a mission with you. Para ito sa kinabukasan ng buong Cairos at ng buong mundo. Kailangang may gawin din ako. Si Cael muna ang magiging katulong ng amang hari sa palasyo habang wala ako," anito habang papalapit ng papalapit sa kinatatayuan ko. Ilang sandali pa ay pareho na kaming nasa harapan ng salamin. Nasa likuran ko ito at tila sinisipat kung bagay kaming magkatabi. "We look like a couple from a different era."

"Well we-"

Isang katok sa pintuan ang pumutol sa sasabihin ko. Sabay kaming napalingon ni Kaiser. Nandoon si Silex na halatang hindi natuwa sa nakita. Halatang pinilit nitong ngumiti kay Kaiser pero nakikita ko sa mga mata nito ang matinding pagkadisgusto sa paglalapit namin ni Kaiser. Seloso, but I like it when his jealous. It makes me feel so precious that he only wants me for himself.

"We're going," tipid nitong sabi saka hinintay na makalabas kami ni Kaiser sa dressing room. Titig na titig ito saakin habang tinutungo ko ang bungad ng pintuan.

Ibig sabihin kasama din siya? Ano ba 'tong binabalak ni Magret? Love triangle sa gitna ng isang misyon?

Nginitian ko ito at kumurap-kurap baka sakaling matanggal ang selos niya. Inismiran ako nito saka tumalikod at nauna nang naglakad. Mabilis at tila iwas na iwas saakin. Nagpapahabol.




Naabutan namin si Magret at Miranda sa gitna ng hardin ng palasyo. Nasa harapan ng fountain ang mga ito at tila kami na lang ang hinihintay. Nasa normal ang bihis ni Miranda, nangangahulugang hindi ito sasama sa misyon.

"Bubuksan ni Miranda ang portal patungo sa kinaroroonan ng book keeper. Limitado ang oras na bukas ang portal pabalik dito kaya't kailangan nating maging alisto." Narinig kong sabi ng time keeper na halos hindi ko na maaninag dahil sa sobrang dilim ng gabi.

The Seekers (TKS #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon