44. Island of the Clowder

22.7K 911 76
                                    

JOLLY

Anong ginagawa ni Laurent sa Bliss Island na malapit sa Westeros at bakit siya sinusundan ni Queen Amry at ng dalawang ace warriors nito? Buhay si Queen Amry, isang nakakagulat na balita pagkatapos magbuwis ng buhay ang antigong ganda ng Cairos na si Fhaun. Ano ang binabalak ng reynang sing itim ng dugo ng pusit ang budhi sa mag-isang si Laurent? By the looks of Laurent from my last vision, he's lost, hurt, anguish and almost giving up to his suffering.

Papaanong nasingit sina Alvis at Nicali Sin sa eksena? H-hindi kaya doon napadpad ang gwapong arkanghel at nasaktong nasundan siya ng secret admirer nitong assassin. Anong ginagawa nilang lahat sa isla kung saan ako ipinanganak? Ang mapayapang isla ng mga clowder, mga kagaya kong tagapagsilbi at gabay sa mga mga makapangyarihang witches na ipinapanganak sa Westeros.

Naalala ko pa...

Naalala ko kung papaano ako napunta sa pangangalaga ng maingay na si Amber, kung sino at ano ako bago naging isang kulay ubeng pusang familiar. Magkahalong lungkot at pananabik ang naramdaman ko habang binabaybay ng mahiwagang travelling blanket ni Magret ang karagatan patungong Bliss Island. Priam's transmission technique cannot penetrate the place full of magic kaya mas minabuti naming gamitin ang floating blanket ng itim na time keeper.

"Malayo pa ba tayo?" aligagang tanong ni Amber kay Magret habang nakakapit sa balikat ni Silex. Siya mismo ang nagmadaling tunguhin ang isla nang malaman niyang nasa panganib sina Laurent at Alvis. Pambansang bestfriend talaga ang role nitong amo ko, kulang na lang tawagin siyang nanay ng A-Team dahil mas uunahin niya ang mga kaibigan niya kaysa sa sarili. Mas uunahin niyang maglakbay ng ganito kahaba kaysa bilhan ako ng carrots o labanos sa palengke. Ilang araw na rin akong walang kain ng gulay. Pesteng Amber!

"Jolly, are you okay?" naramdaman ko ang haplos ni mama lala sa aking likuran. Ito mismo ang nagsabing malakas na siya at gusto niyang saklolohan ang mga kaibigan kaya napapayag na akong sabihing nasa Bliss Island ang lahat. Kung hindi lang dahil kay mama lala, hindi ko sasabihing nasa islang malapit sa bayan ni Amber ang mga kaibigan nito. Nang lingunin ko si Lara ay isang maamong mukha ang bumungad saakin na parang pinaparamdam nito na magiging ligtas ang clowder o grupo ng mga familiar sa isla.

"Jolly," ani Miranda na may inaabot na kulay orange na gulay. Nasa gitna ito ng blanket kasama ang isa pang baliw na si Blaire na nakayakap sa likuran ni Lara dahil sa takot nito sa mataas na lugar. "Ayaw mo? Totoo itong carrots na 'to! Choosy ka pa?"

Akmang babawiin na ni Miranda ang gulay dahil sa pag-iinarte ko. Mabilis kong hinablot ang malaking carrots saka niyakap na parang iyon ang pinakamagandang regalo sa buhay ko. "Miranda! Utang ko sa'yo ang buhay ko!" Malakas kong sabi sabay nagpagulong-gulong sa magic blanket ni Magret.

"So, magsasallita ka lang kapag may carrots ganon?" nagawa pang magpameywang ni Amber habang nakaupo. Alam kong pikon ito dahil hindi ko sinagot ang tanong niya kanina. Manigas siya no! Carrots muna bago speak!

Napailing-iling si Priam na nasa harap ng floating blanket katabi ng tulog na si Joko. Kanina pa ito tahimik at halatang malalim ang iniisip. Kanina si Kaiser, ngayon itong itim na ulap na may kidlat naman ang mukhang may mental struggle. Nahawa na yata silang lahat kay Blaire na nagtitipid sa salita. Nakaka-bother!

Ilang kilometro pa ang nilakbay ng blanket. Habang papalapit ng papalapit kami sa kinaroroonan nina Laurent, mas lumalakas ang nararamdaman kong enerhiya mula sa clowder. Napapikit ako habang bumabalik ang aking kamusmusan -ang masaya at mapayapang pamumuhay sa isla. Lihim akong napangiti. Napalingon din ako kay Amber na tinatanaw ang malawak na rehiyon ng Westeros. Sumilay sa mukha nito ang labis na pangungulila. Marahil ay naalala din nito ang kanyang buhay kasama ang mga magulang bago siya naging isang mercenary keeper. Nagtama ang aming paningin at pinagbuklod kami ng iisang damdamin.

The Seekers (TKS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon